2 new neighbors :)
Pages
Friday, May 4, 2012
At dun nagtatapos ang 2 years at 5 months.
Broken hearted ako. Kaya eto, tinatamad na akong magsulat o
maski makinig ng mga tugtuging tila nangaasar pa. Hays, totoo ngang pagdating
sa pag-ibig e wala tayong kadala-dala. Nasaktan ka na nga dati, nasaktan pa
ulit sa pangalawang pagkakataon, tapos ngayon eto nanaman, paulit-ulit lang,
parang remix na plaka, alam mo ng paulit-ulit lang yung lyrics e kanta ka pa
din ng kanta. E ganun talaga kasi siguro ang buhay, kapag ang puso ang nadali,
kahit anong nadala na ako kemerut mo e kapag tinamaan ka, e tinamaan ka talaga.
Hindi uubra ang pa-manhid at my amnesia girl effect mo lalo kapag nakita mo na
siya.
Tsk. 2 years and 5 months din yun dude eh. Hindi yun
simpleng MU lang. Akala ko nga siya na e. Mantakin mo ba namang pinaplano na
namin ( sige kadalasan ako lang ) yung magiging buhay namin pagkasal na kami,
kung ilan ang magiging anak namin tsaka magiging pangalan nila. Akala ko
truelove na, yun pala isa din lang pala sa mga napakaraming komersyal na
mapapanuod ko bago yung pelikula. Binonggahan pa sa special effects komersyal
lang pala.
Kung minahal ko ba siya? E oo naman, sobra sobra. Kaya nga
hanggang ngayon e umaasa pa rin akong marerealize niyang hindi niya pala kayang
mawala ako, na pwede naman pala niyang punan yung mga pagkukulang niya at ganun
din ako, na kami pala talaga ang para sa isa’t-isa, na hindi na niya ako ulit
iiwan kahit anong problema o hindi pagkakaintindihan pa ang dumating saming
dalawa. Pero asa naman ako, kung hindi ako nagkakamali, e siya ang pinakamanhid
na nakilala ko sa buong buhay ko. Daig pa ang bato kung makadedmabels sa mga
argues ko nung kami pa. Kaya nga kami naghiwalay e. Dahil sa sobrang manhid
nya, nahawa na ako. Wala siyang pakialam, ako din. Nagkalasan na lang.
Hindi naman ako nagsisising naging kami. Minahal naman niya
ako e, hindi nga lang halata. Siguro
namimiss ko lang siya kaya gantong nagkokorni-kornihan ako. Pero katulad ng
alak, balang araw isusuka ko din siya. Mawawala din ang tama ko. Oo na, baduy
na.
At dun nagtatapos ang 2 years at 5 months.
Subscribe to:
Posts (Atom)