Pages

Friday, September 2, 2011

BORING II.

Don’t criticize when you yourself have lots of things worth criticizing.
Wala lang. Naisip ko lang habang naglalaba ako. Habang binabanlawan ko kasi yung mga kumot bigla kong naisp yung mga ‘ibang tao’ sa facebook. Alam mo na, ang facebook, lahat kayang gawin, lahat kayang ipagawa sa gumagamit at vice versa. Kung akala ng iba na ginagamit nila ang facebook, nagkakamali sila dahil facebook mismo ang gumagamit sa kanila. Wala naman akong bitterness na nararamdaman sa facebook, napapansin ko lang na masyado nang kinokunsumo ng iba ang kakayahan ng facebook na sa huli e sila din naman ang nabibiktima. Paramihan ng friends ng siblings, ng photo like at comments , pabonggahan din ng status. Uso na nga din ngayon ang paadikan, palasingan at padamihan ng napuntahang keber at keme. At ang masaklap pa dun, kakaumpisa pa nga lang atang reglahin ang mga nenita na yun. Pabata sila ng pabata. Ewan ko kung anong astig sa mga aktibidades nila sa buhay na kung bakit kailangang kadasegundo e kelangan nilang ipangalandakan sa buong mundo kung nasaan sila, anong ginagawa, sino ang kasama, kung lasing, hilo at kung ano ano pang ano ano. Tila ginagawa na nga nilang diary ang facebook, hindi na nga lang secret. Sana bulatlatin muna anila ang mga libro nila sa paaralan kesa pageksperimentuhan ang mga pagmumukha nila ng samu’t saring kolorete. Haru, stress.

**
OKOY.

Wala lang. Yun lang kasi yung ulam ko kanina. Masarap naman, bilang lang yung hipon puro ulo pa nga ata. Tapos wala pang suka. Kaya toyo na lang nilagay ko. Nakadalawang sandok ako ng kanin, kasi sabi ko sa okoy hindi na ako kakakain mamayang gabi. Sana nga.
Sya nga pala, sampung piso isa yung okoy.
Bwisit.
**

PAG-IBIG.
Nakakain ba toh ? Hindi. Nasusuot? Hindi. Napupulutan? Hindi. Naiinom? Hindi. Nahihithit? Hindi rin. Kung tutuusin, walang silbi ang pagibig. Hindi mo pwede isangla pagnagkagipitan, hindi mo pwede ipunas kapag suwerteng naiputan ka ng kalapati sa noo, hindi pwede ipang self defense o maski ipanggtanggal ng tinga. Pero sabi nga ni Mang Kanor, ‘Love makes the world go round’. Sa tagalog, bilog daw ang mundo, at dahil daw yun sa pag-ibig. Bakit kaya hindi toh nabanggit samin ng science teacher namen ? Dahil kaya baog sya o bitter o loveless? O taga-ibang planeta sya para mawalan ng concern kung parallelogram, trapezoid o hexagon ang mundo naten. O di kaya lasing lag si mang kanor. O kaya mali lang ang translation ko, o ewan. Ulit.
‘Love makes the world go round’
Translation no. 1
-          Papaikutin ka lang daw ng pag-ibig kagaya ng pagpapaikot nito sa mundo.
Translation no. 2
-          Binilog ng pag-ibig ang mundo, pati na rin siguro ang mga earthlings na nakatira dito.
Translation no. 3
-          Wala na akong maisip.

TOOOT .. **
Wag na lang tayong magmahal kasi, Mag-plants vs. Zombies na lang tayo.



BORING.

 Ngayon na lang ulit nakatikim ang bibig ko ng yosi. Matapos ang ilang century, ngayon na lang ulit.
--
Tuwing naghuhugas ako ng pinggan, nagsisipilyo ng ngipin, kumakain, nagbabanyo at kung ano-ano pa, tsaka biglang kini-K.O ng mga chubachuchu ang utak ko, mga bagay na gusto kong isulat, mga karanasang bigla kong naaalala, at mga taong nakilala at nabahagian ako ng kapirasong ng buhay nila, nakasakay ko man sa jeep, nakasabay sa pila o maski naka-titigan ko lang sa kalsada, pero tuwing oras na pumipirmi na ako sa harapan ng laptop ko, parang biglang naglalaho lahat, pati nga ata utak ko nasama.
Hindi ako ang pinakamagandang bata sa mundo, ni hindi nga ata ako maganda. Hindi din ako ipinanganak na kasundo ang math, lalong lalo na ang PE. Di ako marunong magbike, di ako marunung magpalobo ng babol gum, di marunung magsplit o tumambling, ni hindi rin ako marunung sumipol. Marami pa akong bagay na hindi kayang gawin, na kahit sinusubukan ko, di ko talaga kaya.
Teka ? san ba papunta tong mga sinasabi ko ? Tsk. Natulo na ang eyebags ko sa kakapuyat, nararamadaman ko na ding gusto na ata akong i-upper cut ng utak ko kakakalikot sa kanya.  Gusto ko kasi maging writer balang araw. So? Wala lang nagpapaka-writer lang ako. Nyehehe.
**
Nagsimula lahat ng toh noong 2nd year high school ako. Sumali ako noon sa opisyal na Ingles na pahayagan ng paaralan namin. Awa ng dyos nakapasa naman ako, at noong pagsali ko din na yun na-promote kaagad ako bilang Feature Editor. Oha ang yabang ko. Pero dahil siguro wala pa kami sa sampo na myembro ng pahayagan kaya ako ang suwerteng natoka doon. Masaya naman sya. Unti-unti na akong nag-eenjoy. Noong una kasi ang habol ko lang talaga dun e mapahaba ang listahan ko ng co-curricular activities, pero ng dahil sa kagustuhan kong madagdagan ang co-curricular activities ko, naranasan kong matulog sa labas ng printing press, naulan, malamig at tanging dyaryo lang din ang higaan at kumot, kulang na lang lata tsaka unting sprinkle ng langaw. halos di na kami natutulog noon. Pasok sa umaga, gawa ng dyaryo sa gabi, at hindi pa kasali doon ang samu’t saring paghohost ng mga programs, pagrereview para sa mga quiz bee, meetings, seminars at kung ano-ano pa. Mukha na ako noong zombie/adik/reypis.
Pero noong grumaduate na ako ng High School, unti unti na ding nawala yung interes ko sa pagsusulat. Ng isang araw, nakadampot ako ng libro sa library. ‘’Tutubi, tutubi, Wag kang magpahuli sa Mamang salbahe”, ayun yung title ng libro. Mukhang interesante, kaya binasa ko. Simula noong hiniram ko yun, palage na akong excited umuwi para mabasa ko lang yung librong yun. Pakiramdam ko kasi dinadala ako noon sa panahong ikinukwento nya at ipinapakilala sa mga tauhang binabanggit. Piling ko nga kasama na nila ako. Tungkol sya sa pakikipagsapalaran ng mga magbabarkadang estudyanteng nasa kolehiyo sa batas ng martial law, at sa mga prokopyong  nagpatupad nito. Nakakaengganyo. Nakakabukas ulirat. Noon ko ulit naramdamang gusto kong makalkha ng librong katulad noon.
**
Masyado ng mahaba tong mga pinagsasabi ko, pero hindi ko pa rin mahanapan ng koneksyon sa mga unang bagay na binanggit ko. Hehe. Hayaan nyo na nga lang.