**

Gusto kong tumugtog sa isang sikat na tanghalan kasama ang banda ko at iba pang MALALAKING BANDA. Di ko pinangarap yun kahit minsan, pero ngayon oo, palage na, gabi-gabi, habang nasa cr, bago matulog. Pagnaumpisahan mo na pa lang makarinig ng palakpakan, ng compliments at makahawak ng instruments, tuloy tuloy na yun, hahanap-hanapin mo na. Maglalaro na sa isip mo yung salitang PAGSIKAT, at hindi mawawala dun ang salitang SHOWBIZ. Pero ayoko namang sumikat kame na pangTV ( kung sakali lang naman ) gusto ko lang manantiling ganto, pero kumikita :)) syempre para may pantustus naman kame kahit papaano.
Gusto kong grumaduate ng may HONOR !!! Di naman ako masyadong excited sa pagtype ng salitang honor, gusto ko lang talaga iCapsLock. Kasi para sa akin yun yung magiging basehan ko para kahet papaano ikatuwa naman ng mga magulang ko na ipanganak ako sa mundo. Siguro lumaki akong may ganon ng klase ng paniniwala, o nahubog lang talaga ako ng paligid ko na dapat ay ganoon ang paniwalaan ko. Di ko man kaya ko, pero kaya ko yan ! haha KAYA KO YAN :DGusto kong mabuhay ng malaya at masaya. Malayo sa panghuhusga at Expectations. Simple. :))
----
Pagod na ako. Nextime na lang haha :DD
Offline ♥