Pages

Friday, May 4, 2012

At dun nagtatapos ang 2 years at 5 months.


Broken hearted ako. Kaya eto, tinatamad na akong magsulat o maski makinig ng mga tugtuging tila nangaasar pa. Hays, totoo ngang pagdating sa pag-ibig e wala tayong kadala-dala. Nasaktan ka na nga dati, nasaktan pa ulit sa pangalawang pagkakataon, tapos ngayon eto nanaman, paulit-ulit lang, parang remix na plaka, alam mo ng paulit-ulit lang yung lyrics e kanta ka pa din ng kanta. E ganun talaga kasi siguro ang buhay, kapag ang puso ang nadali, kahit anong nadala na ako kemerut mo e kapag tinamaan ka, e tinamaan ka talaga. Hindi uubra ang pa-manhid at my amnesia girl effect mo lalo kapag nakita mo na siya.

Tsk. 2 years and 5 months din yun dude eh. Hindi yun simpleng MU lang. Akala ko nga siya na e. Mantakin mo ba namang pinaplano na namin ( sige kadalasan ako lang ) yung magiging buhay namin pagkasal na kami, kung ilan ang magiging anak namin tsaka magiging pangalan nila. Akala ko truelove na, yun pala isa din lang pala sa mga napakaraming komersyal na mapapanuod ko bago yung pelikula. Binonggahan pa sa special effects komersyal lang pala.

Kung minahal ko ba siya? E oo naman, sobra sobra. Kaya nga hanggang ngayon e umaasa pa rin akong marerealize niyang hindi niya pala kayang mawala ako, na pwede naman pala niyang punan yung mga pagkukulang niya at ganun din ako, na kami pala talaga ang para sa isa’t-isa, na hindi na niya ako ulit iiwan kahit anong problema o hindi pagkakaintindihan pa ang dumating saming dalawa. Pero asa naman ako, kung hindi ako nagkakamali, e siya ang pinakamanhid na nakilala ko sa buong buhay ko. Daig pa ang bato kung makadedmabels sa mga argues ko nung kami pa. Kaya nga kami naghiwalay e. Dahil sa sobrang manhid nya, nahawa na ako. Wala siyang pakialam, ako din. Nagkalasan na lang.

Hindi naman ako nagsisising naging kami. Minahal naman niya ako e, hindi nga lang halata.  Siguro namimiss ko lang siya kaya gantong nagkokorni-kornihan ako. Pero katulad ng alak, balang araw isusuka ko din siya. Mawawala din ang tama ko. Oo na, baduy na.

At dun nagtatapos ang 2 years at 5 months.

No comments:

Post a Comment