Kasama ng mga aso, kuting at mga matatanda e isa pa sa mga kahinaan ko e ang mga magulang ko. Tuwing pamilya at mga magulang ko na ang pinaguusapan, wala akong ibang masasabi kundi napakaswerte ko. Nakakatuwang isipin na merong kakayahan ang taong maging mapagmahal, mapag-unawa, mapagbigay at mapagpatawad sa sukdulan ng paglimot na sa sarili. Kaya kung nagiinarte kang hindi mo na kako mahahanap ang truelove mo, nako neng puro ka kasi lablayp e ano palang tawag mo sa pagmamahal na ibinibigay sayo ng mga magulang mo?
Maiksi lang ang buhay, pahalagahan natin sila hanggang may oras at panahon pa tayo na pwede natin silang alagaan, ipagsandok ng tanghalian, ilibre ng kahit isang supot lang ng kropek, kwentuhan ng mga ginagawa mo sa araw araw mong pagpasok sa eskwelahan o sa trabaho, at kung ano ano pa.
Wala ng mas sasarap pa sa pagmamahal ng magulang, naramdaman mo yan, kaya sana , iparamdam mo rin sa kanila ang pagmamahal ng anak na para sa kanila naman e ang pinakamasarap.