Pages

Tuesday, October 25, 2011

Ang alamat ng paglalakbay patungo sa pagkuha ng makahiya :)

Namukid din ako noong sabado, namitas ng makahiya (inutusan kasi ako ng nanay ko) tsaka nagpipikchur pikchur sa mga talahib. May nakita akong halaman na may mga bunga na kasing laki lang nang pinagsamang apat na munggo, mukha syang maliit na kundol kaya pinikchuran ko ang kyut kyut kasi, hehe.





At pagkatapos pumunta kami sa gotohan na palagi kong kinakainan noong high school. Ganoon na ganoon pa rin yung lasa, yung presyo ganoon pa din, murang mura ! tumataginting na Syete. Ang mura diba? Pero noong high school para sa akin e kasumpa sumpa na ang syete pesos na goto na yun. Anyway, nagpikchur pikchur din ako sa gotohan, haha ganoon talaga pag-artista =)
At bago matapos ang lahat, bumili kami ng tinapay na tag-ootso pesosesoses, matamis, chocolate yung flavor. Kung saan man sya gawa, basta ang sarap sarap ! :D

nyihihi :D


Anyway eto yung mga ibang shots na shinat ko. haha watever.




                                                                 julalay ko.

At ayun, hindi pa natapos doon ang araw ko, nagpunta naman ako sa bahay ng kaibigan ko para pagkwentuhan ng paulit ulit ang mga talambuhay namin, mga planong pagpunta sa kung saan saan at mga lalaki na din. Haha. At yun. Tapos na.