Pages

Friday, December 30, 2011

Segway.

Hindi ko alam kung ano kaburechechehan nanaman ang ipopost ko. Ganto kasi e, inlab ako, so sinusubukan kong magpost dito ng nakakakilig, kaso hindi ko kasi forte ang mangurot ng damdamin, ewan ko ba, hindi lang talaga kasi ata ako sweet. Kaya asahan mo ng mapakla-pakla na may panaka-nakang maarnibal na lasa ang mga susunod mong mababasa, ganoon e, baklang maton ako.

Inlab ako, sa parehang lalakeng kina-inlaban ko dalawang taon at dalawang buwan na ang nakakalipas. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, hindi ako komportableng sabihin tong mga salita na toh, pero sige naumpisahan na e. Naku naman.

Sa lahat ng lalakeng nakilala ko, masasabi kong sya ang pinakamatino. Ayoko kasi ng mga lalakeng daig pa mga bakla kung mag-ayos, kung magself-grooming e over na sa over. Ayoko din ng puro DOTA tsaka kung ano-anong pangbatang gawain lang ang inaatupag. Minsan kasi nagkaroon ako ng boyfriend na tuwing magkikita kami e puro character sa DOTA ang ikinekwento sakin, mga long range, short range, scourge, skills, cooling time, sentinel, viper, mega kill, killing spree, god-like at kung ano ano pang DOTA jargons na hindi ko naman maintindihan. Para lang syang nakikipag-kwentuhan sa mga kabarkada nyang computer shop na ang ginagawang bahay. Hindi sa nagseselos ako sa DOTA, dahil napakawalang kwentang gawain ang magselos, lalo na sa mga ganoong mga bagay, ang babaw.

Teka nga, inlab nga pala ako. Back to the topic.

Kung may isang bagay ka na pinakagusto mo sa taong mahal mo ano yun?

Lahat.

Yun dapat ang sagot. Mata, ilong, lips, ngipen, kuyukot, ngala-ngala, buhok sa ilong, abs, susmarya, hindi ba dapat mas magandang marinig na gusto mo ang lahat sa kanya? Kung ikaw ba ang makakarinig na ang gusto sayo ng taong mahal mo e yung kilikili mo lang na maputi, hindi ba’t nakakainis yun? Sana pala nagging kili-kili ka na lang, ng sa ganoon e hindi mo na pagseselosan pati sarili mong kili-kili.

Ito ang isa sa mga problema ko, hindi ko kayang tumapos ng isang buong article na may iisang topic. Ewan ko ba, sadyang ganto lang talaga siguro ang utak ko, assorted. Lalo na pagdating sa mga bagay na alam kong may malaking koneksyon sa buhay ko, asahan mo, hindi ako magiging seryoso sa pagsulat, sa pagkwento.

Alam naman nya na-inlab ako sa kanya e. Siguro yun na lang muna sa ngayon.