The fact is I can’t think of something to tell. My life has been one heck of a ride this year. Problems and trials had preoccupied my entire system that I have lost my appetite to write. How’s everyone doing anyway? Tsk. I don’t even know if I have viewers still. My head is getting empty of words to speak, in fact, im arguing with myself now of whether I should post this I-don’t-know-how-to-start-or-either-to-end article of mine. Oh yeah crap, so lets just have my consciousness do the talking.
**
I have gained another age, Dalaga na ako. Para akong matabang babae na ngayon lang tinanggalan ng girdle sa mahabang panahon, gutom na gutom sa lahat ng bagay na dating ipinagkakait sa akin ng mundo, yung mga bagay na ika nga e “Pang-Matanda” lang. Pwede ko ng gawin lahat ng gusto kong gawin ngayon. Maglasing habang buhay, bumili ng condom, yosi at sigarilyo sa mga convenient store, magboyfriend, maggirlfriend, mamakla , magpaabot ng madaling araw sa mga kalsada, pumasok sa kung saan saang bar, maghanap ng trabaho, magpaka gago, magpabuntis at mambutis pero syempre tsaka ko na gagawin lahat ng yun kapag napagsikapan ko ng suklian ng sobra sobra lahat ng pagpapakakalabaw dahil sa akin ng mga magulang ko. Siguro ang gagawin ko pa lang sa ngayon e yung pagbili ng yosi sa convenient store tsaka yung maglasing(pero hindi naman habang buhay).
Ngayong disi-otso na ako at nabibilang na sa mga ganap na kuno ang kaisipan, mas lalo ko ng naiintindihan ang mga sinasabi sa akin ng mga magulang ko nung mga panahong pagkakaroon lang ng beyblade ang tanging pangarap ko sa buhay. Mag-aral ng mabuti, wag kaagad magboboyfriend, makinig ng maigi sa titser, wag mang-aaway ng kaklase, wag makikipagusap sa di mo kilala, wag kakain ng pishbol at manggang may alamang sa labasan, wag magbababarkada sa mga sanggano, wag magsisinungaling, wag mangungupit, sa gilid palage magdaan at madami pang wag, sa at iba pa. Pero sa lahat ng yun, kaunti lang ata ang nagawa ko, yun lang atang, ay ewan wala pa nga ata. Minsan nga siguro okey ding hindi sumunod sa lahat ng sinasabi sayo, para sa ganoong paraan, mas matutunan at maiintindihan mo kung bakit dapat pala sa una ay sinunod mo nang lahat yun. Ganun naman kasi talaga ang tao, mas natuto sa pinakamahirap na paraan. E tao lang ako, tao lang din ang mga magulan ko, di nila mapipigilang magbili at mag-alala, ako naman bilang anak, di ko din mapipigilang magtaka at sumubok, at oo , magkamali.
**
Noong isang araw habang naglalakad ako sa mall, may narinig akong dalawang mga dalagita, mga neneng pa nga ata yun na galak na galak sa pinag-uusapan nila tungkol sa mga lalaki, si ganto daw e nililigawan sya e sila pa daw ni ganto, yung isa naman ang sabi e sagutin na lang daw, kasi si ganto nga daw e sinagot nya na pero sila pa ni ganto. Ano kako ? Aba’y kakaumpisa pa nga lang ata ng mga toh magkaroon ng buwang dalaw e halos ginagawa ng libangan ang pakikipagrelasyon. Iyon ang isa sa mga isyung napapnsin ko sa mga kabataan ngayon. Pabata nang pabata ang edad ng mga naeengganyo ngayon sa pakikipagrelasyon. Bigang naging commentary? Haha balik sa normal.
**
Hindi ako rakista, o scene, o metal o ano. Karamihan kasi ng tinatanung sa akin ng mga friends ko sa FB e kung ano daw ang genre ko. Parang sardinas na ba ang tao ngayon ? pare- parehas lang namang isda, pare-parehas lang galling sa dagat nagkaiba nga lang sa brand name. kung sasabihin ko bang metal e biglang babango ang pangalan ko sa lahat ? kung scene ba e instant celebrity na ba ako? At kung rakista ba e tutubuan ba ako ng sandamukal na angas sa katawan? Pasikatan. Yan ang kinakarir ng madami sa ngayon.