RAYMART LOCARIO.
Akalain mo nga naman ? Naalala pa kita ? Hindi ako bitter e .. pero pagnaalala ko yung panu kita iniyakan ? kung panu ako pumasok sa skul ng maga ang mata ? kung paano ako nagsososri kahit IKAW NAMAN ANG MALI ( BUSIT ! ) kung paano ko binigay ang mga akalain kong kaya ko pa lang ibigay at higitan pa ? kung paano mo isampal sa mukha yung katotohanang wala na lahat ng 7 months na minahal kita .. naiinis ako o nabibitter o ewan ? Pero kapag naalala ko rin yung kung paano mo ako pinahalagahan .. kung paano mo pinaramdam sa akin lahat ng first time (HINDI KASAMA YUNG INIISIP MO) .. kung paano mo ako binubusog tuwing recess .. kung paano mo ako nililibre tuwing uwian .. kung paano mo ako pinipilit ubusin yung binili mong apat na plastik ng kanin tuwing lunchbreak .. ay pukang doll nanghihinayang ako .
**
Pero minahal talaga kita . Kala mo taga-libre lang tingin ko sayo ( tama yun ) pero minahal talaga kita. Nakakatamad ka na i-blog ng mahaba. kaya bow na !
: ) )
Pages
Tuesday, June 29, 2010
Thursday, June 24, 2010
PART II
**
BUHAY KOLEHiYO
Nakakapagod. Pero wala namang masyadong ginagawa.
Nakakabobo. Dahil wala namang natututunan.
Nakaka-ubos ng baon. Lalo na kapag tinatamaan ka ng MAGMALL-NA-LANG-TAYO syndrome.
Nakakababa ng self-worth. Kapag nakakalimutan mong may quiz pala.
Nakakabato. Dahil sa mga batong (tao) na nakapaligid sayo.
:)
Nakakatuwa. No choice malungkot ka e ano pa bang pudi mong gawing iba ?
Nakakapaglimot ng problema. Kasi meron nanamang bago nakalimutan mo na yung luma.
Nakakapagbigay ng Opportunities. Pwede kang maging estudyante/takatak specie/ tutor
Nakakaaliw. O Nakaka(b)aliw.
-- iisip pa ko.

Wednesday, June 23, 2010
HALO-HALONG HiNDi NAKAKAiN ..
PAG-iBiG
Sa sobrang dami ng mga salitang pupuwedeng ikabit sa pag-ibig.. bakit kaya walang sakto ? Yung tipong kapag sinabe mong pag-ibig e maiisip mo yung mga salitang masaya, masarap sa pakiramdam, kakaiba, malungkot, masakit ??? Bakit walang isa lang ?? Dahil siguro yata kasi e hindi naman lahat ng tao iisa ang nasaksihang mukha ng pag-ibig. Siguro para sa iba masaya at saka masarap sa pakiramdam, sa iba naman siguro e masakit at saka malungkot. E para sa akin kaya.. hm. Para sa akin, kung ihahambing ko ang pag-ibig sa isang bagay, maihahambing ko ito sa isang lolipop na ibinibigay sa isang bata para tumigil sa pag-iyak mula sa pagkakadapa, at sa parehang lolipop na nagpapasakit ng ipin kapag nasobrahan. Simple lang ang pag-ibig. Tayo lang naman ang gumagawa ng mga paeklat para magmukhang kumplikado. Siguro para mas maramdaman nating meron nga talagang ganoon. Sadyang mas pipiliin nating makaramdam ng sakit para mas matagal mawala sa kokote natin ang mga ala-alang kahit masasakit, e sya din namang pinakamasasayang pinagdaanan natin.
**
VANiTY
(ano ba tagalog nito?)
Kapag hindi maganda ang pagkakahulma ng mukha mo, kapag hindi gaanong kaaya-aya ang pananamit mo, at kapag wala kang pangalan para ipangdisplay sa listahan ng siblings at kung ano-ano pang spesyal-kami-di-ka-belong, wala ka sa hulog. alam mo yung mga grupo nang mga living things na hangang-hanga sa pagkakagawa ng pagkatao nila? Yung kung baga sa evolution e sila yung pinaka-upgraded? Hindi naman sa naiinis ako o may kinikimkim akong sama ng loob ( o sama ng mukha ) pero kung titingnan ng mabute, para sa akin, isa lamang silang grupo ng mga living things na nagkataong meron may mas lamang na pera pangsalon at pangdepartment store. Kaparehas din naman silang mabaho ang tae kaya sana .. WAG KAYONG PAEKSLUSiB. :)

OO NA ..
Ano kayang magandang isipin habang pinapamukha sayong mali ang lahat sayo at tama ang hindi pagsunod sa mga ginagawa mo at pinapaniwalaan? Ano kaya kung habang nagsasalita sya e bigla kung higiting yung buhok nya tapos kagatin ko yung tenga nya? Para Tyson kungware. PAgkatapos pagdumugo na yung tenga nya sasaluhin ko yung dugo papahid ko sa dingding para makagawa ng mural para naman mapraktis ko yung sinasabe nyang kagalingan? O di naman kaya e biglang kung dukutin yung mata nya pagkatapos e isirko ko na parang payaso tapos ihagis ko ulit pabalik sa mata nya para kool ?? Habang tinatalupan nya ang aking kahhiyan sa tapat ng mga kaklasmeyt ko.. hindi nya lang alam. Nagpapasalamat ako. Dahil sa dinami-dami ng taong makakasalubong ko.. sya pa ang dakilang chosen one para pigain ang dangal na tinagotago at inalagaan ng maraming taon.. at sa mga oras na yun. pasalamat na pasalamat ako. dahil sa wakas napatunayan ko ng tama ang kutob ko na meron talagang demonyo. pagpalain ka maam.
Tuesday, June 22, 2010
SAMTING SAMTING ..
MARAMI AKONG GUSTONG SABIHIN PERO AYOKO NAMANG PARANG BASANG BUHUK NA MAGKABUHUL-BUHOL ANG MGA ITO KAPAG SABAY SABAY NA PUMITIK ANG BAWAT NAGAALPASANG IDEYA SA UTAK KO. KUNG PAANO KO UUMPISAHAN AY HINDI KO ALAM. DI KO NA NGA RIN ALAM KONG ANO YUNG MGA IBINIBIDA KONG IDEYA KO DAW. UUMPISAHAN KO NA LANG. BASTA UUMPISAHAN KO. KAKATAPOS KO LANG BASAHIN ANG ISA SA MGA LIBRO NI EROS ATALIA AT JUN CRUZ REYES. HABANG BINABASA KO YUNG MGA LIBRO NILA PAKIRAMDAM KO KLOWS KAMI. HINDI NAMAN SA PAGPIPILING PERO SA LAHAT NG BINABASA KONG LIBRO, MAS TUMATATAK SA KOKOTE KO YUNG MGA LIBRONG NAGBIBIGAY SA AKIN NG GANOONG PAKIRAMDAM. YUNG PARANG GUSTO KONG PALAGING UMUWI NG MAAGA GALING SKUL PARA PUMUNTA ULIT SA MUNDONG IYON ? PARANG PAKIRAMDAM KO MAY SARILI AKONG WANSAPANATAYM NA UTANG NA LOOB KO SA MGA MANNUNULAT NA IYON .
**
AYOKO SA PAKSIW.
PWERA NA LANG KUNG WALA NG IBANG ULAM. PERO KUNG PAPAPILIIN MO AKO KUNG PAKSIW BA O GINATAANG SALAGUBANG? MAS PIPILIIN KO YUNG PANAGALAWA. NAKAKAINIS KASI PAGMAGHUHUGAS NA NG PINGGAN ANG TAGAL MATAGANGGAL NANG AMOY NG PAKSIW SABAY SIKSIK PA SA MGA KUKO MO ?? PATI SA MGA NGIPIN MO ?? PATI SA ILONG AT PANAGINIP ??
AYOKO NG PAKSIW.

Subscribe to:
Posts (Atom)