Pages

Friday, September 9, 2011

the most beautiful commercial i've ever seen. :)

http://www.youtube.com/watch?v=qZMX6H6YY1M

- This commercial made me weep. Ive never cried like that on any movies but this burst me into tears. I love my father, and of course my family. There is nothing really permanent in this world, people come and go, thats why when you have the people you love around you, let them know. :)

TRULAB AND OTHER FROGS II.



Love.

Its sweet I guess.

That feeling of having chills whenever that someone is around and you can do nothing but to stay still and pretend that you have the numbest senses to ignore his every cuteness. It’s very elementary isn’t it? Puppy love, secret love, first love, infatuation, I’ve experienced almost all of them, and at my age now I can now really tell that there is more to love than those.

When I was a child, love, I don’t really know what it’s all about. If im on that age and  you’re going to ask me of what love is ? I might answer you, ‘ love .. hm. Its how my parents feel for each other? And perhaps the reason why I’m existing.’ As a child, I grew up believing that love is love in itself, and such it will come on when it is meant to come.

Years passed, people came and went, I smiled, I laughed, burst into tears, rejected, redeemed, triumphed, and so on and so forth. And to those years that passed, I loved so many times, rejected so many times. And so I learned that love isn’t just sweet as how fairytales told me so.

The process of growing up took me to many different places and shoes ive never imagined to be in. Its like eating your most favorite food while riding in a roller coaster you don’t know when will stop, when can you eat your favorite food, and what are the chances that you won’t miss a grip of it. Life’s tricky, and so is love.

Love can be hurtful, can be so excruciating. But that’s how it goes. You’ll love, you’ll get hurt, you’ll learn, you’ll love again. But again, there is more to love than those.

As a day is being ripped off of my life, I hunger for what is more than enough, of how love became the  center of almost everything, of how it can make someone a beast and a saint, of why everyone seems to crave for its sanctity, and of billions of how’s and why clinging on my very thought.

I pause for a minute, and mesmerize my environment. It’s also the minute that I realized I am the only one home. I peeked outside and decided to walk. I’ve seen so many faces, how am I supposed to write something regarding love if those faces don’t convey what im looking for. Is love supposed to hurt? Is love supposed to bring you happiness? Ughh , I don’t know what to write anymore.

On my way home, as I cross the street I saw a jeepney driver talking to a (pulubing bata-pakitranslate na lang), preaching about life, taking about how he have spent his teenage years playing games he thought worth wasting time, not minding how life will just be a glimpse at his expense. He told the child that he should pursue education because when he had chance to do so, he missed it and so he became a failure and would be probably die achieving nothing at all. It melt my heart to hear  those words, but on the other side, I felt blessed to see that there are still people that are not coward to set themselves as examples so that others won’t do the same mistakes they did. And why would he be concern to someone he’s not really related to? It’s love I guess.

That scene opened my eyes to many different shades of love, of it being a broad world to explore, of it being a word with many meanings that can be associated with.

It can be a child sharing his cookie to his playmate. It can be a mother cooking lunch for her daughter. It can be someone helping his friend in his downs. It can be a stranger helping an old woman cross the street. It can be a simple take care and don’t forget to eat your lunch. It can be in the form of letting go, of acceptance and of wishing all the happiness for someone. It can be in fighting for what you know, will bring you happiness. It can be in a secret glimpse, mere hi’s and hello’s, simple nods and smiles.

Now what is love for me?

My parents, my mother and father who work as hard as they could to provide me the future they always want for me.

My friends who put smile on my face whenever I’m weary and all depressed.

The people who have been a part of my life in the past and in the present for giving me memories I always look up to when life is giving me many reasons to quit.

Those precious moments, when I felt valued than ever. Those words that calmed me when fear is out powering me, that when I reminisce, keeps me believing that life has many beautiful things to offer if I will put worries aside and expand my horizon with god as my guiding light in every journey I went through.

Those smiles, those taps in my back, those warm embrace, those ears that listens, those hands that firmly holds mine, those prayers, those who understands, those who continue believing, those second chances, those shoulders I can rely to, all of them, they are love to me. But again, there is more to love than those.

I still can’t say that I’m no longer naïve for I’m not yet half through with my journey. I have lots of things to explore, many people to encounter, many places to see and many circumstances to learn from. Ive experienced to cry, to love and to be loved, met numbers of different people, stocked in countless dilemmas, and learned from them and from those, but with all those experiences I’ve encountered, still, am for sure, that there is more to love, than those. :)






TRULAB AND OTHER FROGS.

TRULAB.
--
Nakakatakot tumanda. Lalo na ang tumandang walang kasama. Nakakapanghinang isiping sa hinaba-haba ng panahong inilagi mo sa mundo, wala man lang niisang nagustuhang samahan ka. Di ba nakakatakot? Di ba nakakabahala? Paano nga ba kasi humanap ng taong makakasama habangbuhay? Yung hindi magsasawa, yung kayang sakyan lahat ng paiba-iba mong timpla, yung hindi ka iiwan, yung hindi ka sasaktan at lalong-lalo na yung hindi mapapagod magmahal sayo. Kung nabubuhay ka sa mundong hindi marunong makuntento, posible pa kayang may makasama ka pang sumariwa ng mga nakalipas.
High-tech na daw ngayon. Kaya pati tao nagiging high-tech na.  Pabago-bago, papalit-palit, ang bilis mag-sawa. Pati pakikipagrelasyon parang pagfe-facebook na lang. Pwede mong i-logout kung ayaw mo na, i-log in kung naboboring ka, pwede ka ring gumawa ng mas marami pang account kung hindi ka masiyahan sa iisa lang. Nakakatakot nang sumugal sa mga walang kasiguraduhang I love you at hindi kita iiwan. Kaya ang siste, para parehas na hindi masaktan, wag magseryoso.
Pero ang nakakatakot, pabata ng pabata ang edad ng mga nahuhumaling sa pakikipagrelasyon, maaga silang namumulat sa mga bagay na hindi pa naman dapat. Andyan na yung aakalain nilang nakita na nila si true love, magpapakabaliw sa pag-ibig, halos hindi na makakatanggi sa mga palambing kuno ni bf/gf, ibibigay ang lahat na parang sigurado na at kasalan na ang tuloy, lolokohin, sasaktan, iiwan at ang masaklap pa (dahil uso daw eto) buntis pala si nena. Paulit ulit lang ang kwento, copy paste copy paste, pero bakit ang karamihan tila hindi ata nadadala.
Sa mga kabataang nasa edad ko, bagkus hindi pa talaga ganap ang pagkamulat ko sa samu’t saring keber ng buhay, masasabi kong medyo naiintindihan ko na ang karamihan sa dapat kong maintindihan. Katulad na lang na ang pag-ibig, ang tunay na pagibig, nakakapaghintay. Classics diba ? Pero habang nadadagdagan ang edad mo, at ang mga karanasan, tao at sitwasyong natikman, nakasalamuha at natamabayan mo na, mapapa-tama at naman ka sa kasabihang ito. Dahil ang tunay na pagibig hindi naman talaga ipinipilt sa mailng sitwayson, maling panahon, at maling tao. Para lang kasi yang pagbuo ng jigsaw puzzle, may tamang sukat at posisyon para sa bawat piraso, na kahit malapit at magkadikit ang iba sa kanila, ang dapat ay dun sa dapat pa rin, hindi pwedeng iplit, hindi pwedeng ipagsiksikan. Kung gusto mong makita ang imahe sa likod ng bawat piraso, kailangan mong maging matsaga, magdesisyon ng tama. Kung nabigo ka man ng isang beses o kahit ng madaming beses pa, subukan mo ulit, wala namang bayad.
Wala namang masama sa pakikipagrelasyon, basta ba sinabe na ni tatay at nanay.
Noong bata pa ako, ayaw na ayaw kong mag-asawa. Ni magboyfriend o makipagfling lang(o diba bata pa lang alam na ang fling). Tuwing tinutukso ako nang mga kapwa bata ko sa mga ibang kababata naming  sasabihin ko agad ‘ew!’ sabay irap at pasuka suka kungwari. Ganyan ako kabitch nung bata pa ako. Pero habang nagkakaedad ako, nagsimula na akong magkaroon ng crush, puppy love, first love, infatuation at kung ano-ano pa na maari mong makita sa notebook ng kaklase mong mahilig magpa-slam note. Naranasan kong mareject, umiyak, mageselos kahit hindi naman dapat, mangarap ng dilat, ng kirat, ng may kuliti at may sore eyes. Dahil din sa mga crush crush na yan e nagtop-2 ako sa klase ng wala sa oras, maimpress ko lang yung walang hiyang crush ko. At dahil alam kong gusto mong malaman ang mga sumunod pang nangyari, sige, nligawan nya yung isa sa mga bestfriend ko, binigyan ng anklet yung crush nya na kaklase namin at ginawa akong bridge, hanging bridge dun sa isa pa nyang crush na kaibigan ko din. Para akong taeng paulit ulit na inapakan.
Pero wag ka Te ! after 5 miraculous years, bigla syang sumulpot na parang kabute sa buhay ko. Ewan ko kung kaninong prokopyo nya nakuha yung number ko at bigla na lang nagtext na at nagtatatawag, kinakantahan pa ako sa celpon at sinabe pa sa aking matsutsugi na daw sya kaya kung pwede daw hayaan ko na lang syang mahalin ako. Pangpelikula? Malas nya hindi na ako yung dating baliw sa kanya, bilog nga talaga ang mundo ! (evil laugh)
Ganoon nga kasi talaga ata ang buhay, kung marunung kang mag-antay may karapat dapat at mas higit pang dadating para sayo. Yung mga pagsubok, kasama talaga yan ! pre-requisite yan ng pagiging masaya. Kung naloko ka man ngayon, kahapon o sa hinaharap man, wag kang mag-alala, wala ka pa naman sa kalahati ng buhay mo. Kung hindi mo pa natitikaman ang lahat ng klase ng putahe na pwede mong matikman, paano mo masasabi kung alin ang pinakamasarap? Subukan mo ang lahat, wag kang matakot.
--
Ngayon, nasa relasyon ako na nasa dalawang taon na. Hindi ko pa masasabi kung eto na ba talaga. Pero hanggang ako pa ang kasama nyang magbilang ng sana e mas marami pang araw, linggo, buwan at sana naman e taon na darating pa, patuloy pa rin akong maniniwalang ang infidelity, hindi parang cancer na bubulagain ka kung kelan wala ka ng magagawa, dahil katulad nga ng cancer, ang infidelity pwedeng agapan, pwedeng iwasan. Dahil bagaman ang lahat ng bagay sa mundo e naglalaho, nag-iiba, wala pa ring kasing sarap magmahal sa at mahalin ng parehong taong minahal mo noong umpisa pa lang, sa kabila ng napakadaming pagbabagong dumating at darating pa sa buhay nyo. Truelove nga baga. :)
Tanghalian. Kakatapos ko lang maglaba, magluto, maglinis ng bahay, maligo at magpapogi.  Ang sarap ng ngata-ngata kung hotdog, sabayan pa ng namumutawi sa itlog na sinangag, natapos ng matagumpay at taimtim ang tanghalian ko. Pagkatapos e hinarap ko na ang banyo, nagmuni muni ako, nagvocalization ng unti at biglang parang binato ng jolen ang kokote ko, bakit nga ba ako nag-ulam ng hotdog?

KASI MAY KETCHUP ! NAKALIMUTAN KONG MAGKETCHUP! NGAYON UBOS NA YUNG HOTDOG WALA NA AKONG PAMBILI, TAPOS NA ANG TANGHALIAN ! YUNG KETCHUP HINDI KO NAPAKINABANGAN !
Shitzu.
**

Ang ulan ang sarap matulog.

Friday, September 2, 2011

BORING II.

Don’t criticize when you yourself have lots of things worth criticizing.
Wala lang. Naisip ko lang habang naglalaba ako. Habang binabanlawan ko kasi yung mga kumot bigla kong naisp yung mga ‘ibang tao’ sa facebook. Alam mo na, ang facebook, lahat kayang gawin, lahat kayang ipagawa sa gumagamit at vice versa. Kung akala ng iba na ginagamit nila ang facebook, nagkakamali sila dahil facebook mismo ang gumagamit sa kanila. Wala naman akong bitterness na nararamdaman sa facebook, napapansin ko lang na masyado nang kinokunsumo ng iba ang kakayahan ng facebook na sa huli e sila din naman ang nabibiktima. Paramihan ng friends ng siblings, ng photo like at comments , pabonggahan din ng status. Uso na nga din ngayon ang paadikan, palasingan at padamihan ng napuntahang keber at keme. At ang masaklap pa dun, kakaumpisa pa nga lang atang reglahin ang mga nenita na yun. Pabata sila ng pabata. Ewan ko kung anong astig sa mga aktibidades nila sa buhay na kung bakit kailangang kadasegundo e kelangan nilang ipangalandakan sa buong mundo kung nasaan sila, anong ginagawa, sino ang kasama, kung lasing, hilo at kung ano ano pang ano ano. Tila ginagawa na nga nilang diary ang facebook, hindi na nga lang secret. Sana bulatlatin muna anila ang mga libro nila sa paaralan kesa pageksperimentuhan ang mga pagmumukha nila ng samu’t saring kolorete. Haru, stress.

**
OKOY.

Wala lang. Yun lang kasi yung ulam ko kanina. Masarap naman, bilang lang yung hipon puro ulo pa nga ata. Tapos wala pang suka. Kaya toyo na lang nilagay ko. Nakadalawang sandok ako ng kanin, kasi sabi ko sa okoy hindi na ako kakakain mamayang gabi. Sana nga.
Sya nga pala, sampung piso isa yung okoy.
Bwisit.
**

PAG-IBIG.
Nakakain ba toh ? Hindi. Nasusuot? Hindi. Napupulutan? Hindi. Naiinom? Hindi. Nahihithit? Hindi rin. Kung tutuusin, walang silbi ang pagibig. Hindi mo pwede isangla pagnagkagipitan, hindi mo pwede ipunas kapag suwerteng naiputan ka ng kalapati sa noo, hindi pwede ipang self defense o maski ipanggtanggal ng tinga. Pero sabi nga ni Mang Kanor, ‘Love makes the world go round’. Sa tagalog, bilog daw ang mundo, at dahil daw yun sa pag-ibig. Bakit kaya hindi toh nabanggit samin ng science teacher namen ? Dahil kaya baog sya o bitter o loveless? O taga-ibang planeta sya para mawalan ng concern kung parallelogram, trapezoid o hexagon ang mundo naten. O di kaya lasing lag si mang kanor. O kaya mali lang ang translation ko, o ewan. Ulit.
‘Love makes the world go round’
Translation no. 1
-          Papaikutin ka lang daw ng pag-ibig kagaya ng pagpapaikot nito sa mundo.
Translation no. 2
-          Binilog ng pag-ibig ang mundo, pati na rin siguro ang mga earthlings na nakatira dito.
Translation no. 3
-          Wala na akong maisip.

TOOOT .. **
Wag na lang tayong magmahal kasi, Mag-plants vs. Zombies na lang tayo.



BORING.

 Ngayon na lang ulit nakatikim ang bibig ko ng yosi. Matapos ang ilang century, ngayon na lang ulit.
--
Tuwing naghuhugas ako ng pinggan, nagsisipilyo ng ngipin, kumakain, nagbabanyo at kung ano-ano pa, tsaka biglang kini-K.O ng mga chubachuchu ang utak ko, mga bagay na gusto kong isulat, mga karanasang bigla kong naaalala, at mga taong nakilala at nabahagian ako ng kapirasong ng buhay nila, nakasakay ko man sa jeep, nakasabay sa pila o maski naka-titigan ko lang sa kalsada, pero tuwing oras na pumipirmi na ako sa harapan ng laptop ko, parang biglang naglalaho lahat, pati nga ata utak ko nasama.
Hindi ako ang pinakamagandang bata sa mundo, ni hindi nga ata ako maganda. Hindi din ako ipinanganak na kasundo ang math, lalong lalo na ang PE. Di ako marunong magbike, di ako marunung magpalobo ng babol gum, di marunung magsplit o tumambling, ni hindi rin ako marunung sumipol. Marami pa akong bagay na hindi kayang gawin, na kahit sinusubukan ko, di ko talaga kaya.
Teka ? san ba papunta tong mga sinasabi ko ? Tsk. Natulo na ang eyebags ko sa kakapuyat, nararamadaman ko na ding gusto na ata akong i-upper cut ng utak ko kakakalikot sa kanya.  Gusto ko kasi maging writer balang araw. So? Wala lang nagpapaka-writer lang ako. Nyehehe.
**
Nagsimula lahat ng toh noong 2nd year high school ako. Sumali ako noon sa opisyal na Ingles na pahayagan ng paaralan namin. Awa ng dyos nakapasa naman ako, at noong pagsali ko din na yun na-promote kaagad ako bilang Feature Editor. Oha ang yabang ko. Pero dahil siguro wala pa kami sa sampo na myembro ng pahayagan kaya ako ang suwerteng natoka doon. Masaya naman sya. Unti-unti na akong nag-eenjoy. Noong una kasi ang habol ko lang talaga dun e mapahaba ang listahan ko ng co-curricular activities, pero ng dahil sa kagustuhan kong madagdagan ang co-curricular activities ko, naranasan kong matulog sa labas ng printing press, naulan, malamig at tanging dyaryo lang din ang higaan at kumot, kulang na lang lata tsaka unting sprinkle ng langaw. halos di na kami natutulog noon. Pasok sa umaga, gawa ng dyaryo sa gabi, at hindi pa kasali doon ang samu’t saring paghohost ng mga programs, pagrereview para sa mga quiz bee, meetings, seminars at kung ano-ano pa. Mukha na ako noong zombie/adik/reypis.
Pero noong grumaduate na ako ng High School, unti unti na ding nawala yung interes ko sa pagsusulat. Ng isang araw, nakadampot ako ng libro sa library. ‘’Tutubi, tutubi, Wag kang magpahuli sa Mamang salbahe”, ayun yung title ng libro. Mukhang interesante, kaya binasa ko. Simula noong hiniram ko yun, palage na akong excited umuwi para mabasa ko lang yung librong yun. Pakiramdam ko kasi dinadala ako noon sa panahong ikinukwento nya at ipinapakilala sa mga tauhang binabanggit. Piling ko nga kasama na nila ako. Tungkol sya sa pakikipagsapalaran ng mga magbabarkadang estudyanteng nasa kolehiyo sa batas ng martial law, at sa mga prokopyong  nagpatupad nito. Nakakaengganyo. Nakakabukas ulirat. Noon ko ulit naramdamang gusto kong makalkha ng librong katulad noon.
**
Masyado ng mahaba tong mga pinagsasabi ko, pero hindi ko pa rin mahanapan ng koneksyon sa mga unang bagay na binanggit ko. Hehe. Hayaan nyo na nga lang.

Tuesday, August 23, 2011

may maipost lang. tae

The fact is I can’t think of something to tell. My life has been one heck of a ride this year. Problems and trials had preoccupied my entire system that I have lost my appetite to write. How’s everyone doing anyway?  Tsk. I don’t even know if I have viewers still. My head is getting empty of words to speak, in fact, im arguing with myself now of whether I should post this I-don’t-know-how-to-start-or-either-to-end article of mine. Oh yeah crap, so lets just have my consciousness do the talking.

**
I have gained another age, Dalaga na ako. Para akong matabang babae na ngayon lang tinanggalan ng girdle sa mahabang panahon, gutom na gutom sa lahat ng bagay na dating ipinagkakait sa akin ng mundo, yung mga bagay na ika nga e “Pang-Matanda” lang. Pwede ko ng gawin lahat ng gusto kong gawin ngayon. Maglasing habang buhay, bumili ng condom, yosi at sigarilyo sa mga convenient store, magboyfriend, maggirlfriend, mamakla , magpaabot ng madaling araw sa mga kalsada, pumasok sa kung saan saang bar, maghanap ng trabaho, magpaka gago, magpabuntis at mambutis pero syempre tsaka ko na gagawin lahat ng yun kapag napagsikapan ko ng suklian ng sobra sobra lahat ng pagpapakakalabaw  dahil sa akin ng mga magulang ko. Siguro ang gagawin ko pa lang sa ngayon e yung pagbili ng yosi sa convenient store tsaka yung maglasing(pero hindi naman habang buhay).
Ngayong disi-otso na ako at nabibilang na sa mga ganap na kuno ang kaisipan, mas lalo ko ng naiintindihan ang mga sinasabi sa akin ng mga magulang ko nung mga panahong pagkakaroon lang ng beyblade ang tanging pangarap ko sa buhay. Mag-aral ng mabuti, wag kaagad magboboyfriend, makinig ng maigi sa titser, wag mang-aaway ng kaklase, wag makikipagusap sa di mo kilala, wag kakain ng pishbol at manggang may alamang sa labasan, wag magbababarkada sa mga sanggano, wag magsisinungaling, wag mangungupit, sa gilid palage magdaan at madami pang wag, sa at iba pa. Pero sa lahat ng yun, kaunti lang ata ang nagawa ko, yun lang atang, ay ewan wala pa nga ata. Minsan nga siguro okey ding hindi sumunod sa lahat ng sinasabi sayo, para sa ganoong paraan, mas matutunan at maiintindihan mo kung bakit dapat pala sa una ay sinunod mo nang lahat yun. Ganun naman kasi talaga ang tao, mas natuto sa pinakamahirap na paraan. E tao lang ako, tao lang din ang mga magulan ko, di nila mapipigilang magbili at mag-alala, ako naman bilang anak, di ko din mapipigilang magtaka at sumubok, at oo , magkamali.

**
Noong isang araw habang naglalakad ako sa mall, may narinig akong dalawang mga dalagita, mga neneng pa nga ata yun na galak na galak sa pinag-uusapan nila tungkol sa mga lalaki, si ganto daw e nililigawan sya e sila pa daw ni ganto, yung isa naman ang sabi e sagutin na lang daw, kasi si ganto nga daw e sinagot nya na pero sila pa ni ganto. Ano kako ? Aba’y kakaumpisa pa nga lang ata ng mga toh magkaroon ng buwang dalaw e halos ginagawa ng libangan ang pakikipagrelasyon. Iyon ang isa sa mga isyung napapnsin ko sa mga kabataan ngayon. Pabata nang pabata ang edad ng mga naeengganyo ngayon sa pakikipagrelasyon. Bigang naging commentary? Haha balik sa normal.
**
Hindi ako rakista, o scene, o metal o ano. Karamihan kasi ng tinatanung sa akin ng mga friends ko sa FB e kung ano daw ang genre ko. Parang sardinas na ba ang tao ngayon ? pare- parehas lang namang isda, pare-parehas lang galling sa dagat nagkaiba nga lang sa brand name. kung sasabihin ko bang metal e biglang babango ang pangalan ko sa lahat ? kung scene ba e instant celebrity na ba ako? At kung rakista ba e tutubuan ba ako ng sandamukal na angas sa katawan? Pasikatan. Yan ang kinakarir ng madami sa ngayon. 

Sunday, January 16, 2011

pag-ibig chuba

 Ang pangit pala ng lasa ng 'FOREVER' .. lasang babol gum na sampung taon mo ng nginunguya. Nakakasawa. Parang relasyon namen, walang katapusang iyakan, sigawan tampuhan tsaka sumbatan. Pero ang nakakainis, kahit halos normal na samin ang mga paulit ulit na ganun, di ko sya magawang iwanan, parang wala din naman ata syang planong pakawalan ako. Kumbaga sa mga preso, plano lang kami ng plano kung paano kami makakatakas pero kahit kelan, ni isa walang nagtangkang humawak sa rehas na nagkukulong sa ming dalawa. Isang taon na kami at magtatatlong buwang going steady, pero sabi nya sandali pa lang yun. kung para sa kanya sandali pa lang ang isang taon, ano kaya talaga ang konsepto nya ng matagal ? Natatakot tuloy ako. Ayoko kasing dumating kami ( SYA ) sa puntong nag-aarian na lang kami at hindi na nagmamahalan. Mahal ko sya. Sabi nya mahal na mahal nya din ako, pero ang problema.. Hindi ko yun maramdaman. Kung nakakain at napapahid lang sana ang mga salita maniniwala pa ako, ang kaso hindi. Habang patagal kami ng patagal mas lalo akong nawawalan ng lakas para makita syang di na akin, makitang yung sinasabi nyang forever, sa iba na nya kinukwento. Siguro parehas lang kami ng nararamdaman, parehas lang din kaming nagpapakiramdaman. Sabi nga nya normal lang toh sa lahat ng relasyon at sa lahat ng magkarelasyon. Pero kasi ayoko huminga at mabuhay sa gantong klase ng paniniwala. Pinipilit ko sa kanyang may posibildad na maghihiwalay din kami balang araw pero ang dating sa kanya nun, intro ko lang yun para sabihin sa kanyang ayoko na. Kumbaga sa guro, sya yung klase na walang ibang totoo kundi ang mga pinaniniwalaan nya. Ang hirap sumecond emotion, lalabas nanaman kasing ako ang masama ako ang madaling magsawa ako ang manloloko. Nakakapagod na.








Mahal ko sya. Sabi nya mahal na mahal nya din ako.. sana nga.

Wednesday, January 5, 2011

 woooo. im just so tired and confused.



 --

 everyday passes by damn so slow ! am should be now killing my time doing school stuffs or maybe working like a horse for me to earn money .. but where am i ? im pickled in this room. geez.

Tuesday, December 14, 2010

bachichu !

Noong bata pa ako akala ko totoo si Sta. Claus kamukha ng totoo ang mga multo, na di ka magugutom basta may tanim lang kayong santan, na hindi ka tutubuan ng ngipen na kasing laki ng sa rabbit kapag ibinato mo yung bagong bunot sa bubong, na sasakluban ka ng kaldero kapag hindi ka kumaen, na mapapanaginipan mo yung crush mo kapag inilagay yung mo yung picture nya sa ilalim ng unan mo at kung ano ano pang NA. Pero nung lumaki ako lahat ng akala ko nagmistulang isang pelikulang akala ko e yung iniiisip ko na yung ending pero hindi pala. Bakla palayung bidang babae sa sobrang di natanggap nung bidang lalk nagpakamatay sya,perohindi padoon nagtatapos ang kwento? bumalik sya nagmulto (blah blah), ang akala kong love story horror pala. Hindi naman pala talaga tunay si Sta. Claus, dahil kung totoo sya e di sana nalulugi ang lahat ng department store sa buong mundo tuwing pasko, at kung totoo man sya di pa din sya magagwi dito dahil wala namang chimney ang pilipinas. At ang multo? gawa-gawa lang sila ng mga TV Station para tumaas rating nila tuwing haloween. Ang mga santan naman, nuknukan ng takaw naten pagkain na lang ng bubuyog kakainin pa naten? at yung sa ngipen? ewan ko dun. Tungkol naman sa kaldero sa dami ng nagugutom sa pilipinas at walang makain e wala pa namang napapabalitang tinalukban sila ng kaldero. at yung sa crush? wag na yun tinatamad na ako.


- at ayun tinamad na nga ako. haha =)

Wednesday, November 10, 2010

Sa sobrang layo ng langit kailangan mo munang maglakbay ng mahigit 80 years para lang makapunta dun. At sa paglalakabay mo marami kang makikilala, maraming makakasalubong makakakwentuhan, makakashot, magiging kaibigan at magiging parte ng buhay mo. Siguro may ibang pandalian lang, meron din ibang good for eternity. Pero kahit wala pa ako sa kalahati ng paglalakbay ko, alam kong nakita ko na sila, nakainuman ko pa nga, :)