Noong bata pa ako akala ko totoo si Sta. Claus kamukha ng totoo ang mga multo, na di ka magugutom basta may tanim lang kayong santan, na hindi ka tutubuan ng ngipen na kasing laki ng sa rabbit kapag ibinato mo yung bagong bunot sa bubong, na sasakluban ka ng kaldero kapag hindi ka kumaen, na mapapanaginipan mo yung crush mo kapag inilagay yung mo yung picture nya sa ilalim ng unan mo at kung ano ano pang NA. Pero nung lumaki ako lahat ng akala ko nagmistulang isang pelikulang akala ko e yung iniiisip ko na yung ending pero hindi pala. Bakla palayung bidang babae sa sobrang di natanggap nung bidang lalk nagpakamatay sya,perohindi padoon nagtatapos ang kwento? bumalik sya nagmulto (blah blah), ang akala kong love story horror pala. Hindi naman pala talaga tunay si Sta. Claus, dahil kung totoo sya e di sana nalulugi ang lahat ng department store sa buong mundo tuwing pasko, at kung totoo man sya di pa din sya magagwi dito dahil wala namang chimney ang pilipinas. At ang multo? gawa-gawa lang sila ng mga TV Station para tumaas rating nila tuwing haloween. Ang mga santan naman, nuknukan ng takaw naten pagkain na lang ng bubuyog kakainin pa naten? at yung sa ngipen? ewan ko dun. Tungkol naman sa kaldero sa dami ng nagugutom sa pilipinas at walang makain e wala pa namang napapabalitang tinalukban sila ng kaldero. at yung sa crush? wag na yun tinatamad na ako.
- at ayun tinamad na nga ako. haha =)
Naalala ko tuloy yung ipin na binato ko sa bubungan namin nung grade3 ako. Haha uto uto tlga ko.
ReplyDelete