Pages

Friday, September 9, 2011

TRULAB AND OTHER FROGS.

TRULAB.
--
Nakakatakot tumanda. Lalo na ang tumandang walang kasama. Nakakapanghinang isiping sa hinaba-haba ng panahong inilagi mo sa mundo, wala man lang niisang nagustuhang samahan ka. Di ba nakakatakot? Di ba nakakabahala? Paano nga ba kasi humanap ng taong makakasama habangbuhay? Yung hindi magsasawa, yung kayang sakyan lahat ng paiba-iba mong timpla, yung hindi ka iiwan, yung hindi ka sasaktan at lalong-lalo na yung hindi mapapagod magmahal sayo. Kung nabubuhay ka sa mundong hindi marunong makuntento, posible pa kayang may makasama ka pang sumariwa ng mga nakalipas.
High-tech na daw ngayon. Kaya pati tao nagiging high-tech na.  Pabago-bago, papalit-palit, ang bilis mag-sawa. Pati pakikipagrelasyon parang pagfe-facebook na lang. Pwede mong i-logout kung ayaw mo na, i-log in kung naboboring ka, pwede ka ring gumawa ng mas marami pang account kung hindi ka masiyahan sa iisa lang. Nakakatakot nang sumugal sa mga walang kasiguraduhang I love you at hindi kita iiwan. Kaya ang siste, para parehas na hindi masaktan, wag magseryoso.
Pero ang nakakatakot, pabata ng pabata ang edad ng mga nahuhumaling sa pakikipagrelasyon, maaga silang namumulat sa mga bagay na hindi pa naman dapat. Andyan na yung aakalain nilang nakita na nila si true love, magpapakabaliw sa pag-ibig, halos hindi na makakatanggi sa mga palambing kuno ni bf/gf, ibibigay ang lahat na parang sigurado na at kasalan na ang tuloy, lolokohin, sasaktan, iiwan at ang masaklap pa (dahil uso daw eto) buntis pala si nena. Paulit ulit lang ang kwento, copy paste copy paste, pero bakit ang karamihan tila hindi ata nadadala.
Sa mga kabataang nasa edad ko, bagkus hindi pa talaga ganap ang pagkamulat ko sa samu’t saring keber ng buhay, masasabi kong medyo naiintindihan ko na ang karamihan sa dapat kong maintindihan. Katulad na lang na ang pag-ibig, ang tunay na pagibig, nakakapaghintay. Classics diba ? Pero habang nadadagdagan ang edad mo, at ang mga karanasan, tao at sitwasyong natikman, nakasalamuha at natamabayan mo na, mapapa-tama at naman ka sa kasabihang ito. Dahil ang tunay na pagibig hindi naman talaga ipinipilt sa mailng sitwayson, maling panahon, at maling tao. Para lang kasi yang pagbuo ng jigsaw puzzle, may tamang sukat at posisyon para sa bawat piraso, na kahit malapit at magkadikit ang iba sa kanila, ang dapat ay dun sa dapat pa rin, hindi pwedeng iplit, hindi pwedeng ipagsiksikan. Kung gusto mong makita ang imahe sa likod ng bawat piraso, kailangan mong maging matsaga, magdesisyon ng tama. Kung nabigo ka man ng isang beses o kahit ng madaming beses pa, subukan mo ulit, wala namang bayad.
Wala namang masama sa pakikipagrelasyon, basta ba sinabe na ni tatay at nanay.
Noong bata pa ako, ayaw na ayaw kong mag-asawa. Ni magboyfriend o makipagfling lang(o diba bata pa lang alam na ang fling). Tuwing tinutukso ako nang mga kapwa bata ko sa mga ibang kababata naming  sasabihin ko agad ‘ew!’ sabay irap at pasuka suka kungwari. Ganyan ako kabitch nung bata pa ako. Pero habang nagkakaedad ako, nagsimula na akong magkaroon ng crush, puppy love, first love, infatuation at kung ano-ano pa na maari mong makita sa notebook ng kaklase mong mahilig magpa-slam note. Naranasan kong mareject, umiyak, mageselos kahit hindi naman dapat, mangarap ng dilat, ng kirat, ng may kuliti at may sore eyes. Dahil din sa mga crush crush na yan e nagtop-2 ako sa klase ng wala sa oras, maimpress ko lang yung walang hiyang crush ko. At dahil alam kong gusto mong malaman ang mga sumunod pang nangyari, sige, nligawan nya yung isa sa mga bestfriend ko, binigyan ng anklet yung crush nya na kaklase namin at ginawa akong bridge, hanging bridge dun sa isa pa nyang crush na kaibigan ko din. Para akong taeng paulit ulit na inapakan.
Pero wag ka Te ! after 5 miraculous years, bigla syang sumulpot na parang kabute sa buhay ko. Ewan ko kung kaninong prokopyo nya nakuha yung number ko at bigla na lang nagtext na at nagtatatawag, kinakantahan pa ako sa celpon at sinabe pa sa aking matsutsugi na daw sya kaya kung pwede daw hayaan ko na lang syang mahalin ako. Pangpelikula? Malas nya hindi na ako yung dating baliw sa kanya, bilog nga talaga ang mundo ! (evil laugh)
Ganoon nga kasi talaga ata ang buhay, kung marunung kang mag-antay may karapat dapat at mas higit pang dadating para sayo. Yung mga pagsubok, kasama talaga yan ! pre-requisite yan ng pagiging masaya. Kung naloko ka man ngayon, kahapon o sa hinaharap man, wag kang mag-alala, wala ka pa naman sa kalahati ng buhay mo. Kung hindi mo pa natitikaman ang lahat ng klase ng putahe na pwede mong matikman, paano mo masasabi kung alin ang pinakamasarap? Subukan mo ang lahat, wag kang matakot.
--
Ngayon, nasa relasyon ako na nasa dalawang taon na. Hindi ko pa masasabi kung eto na ba talaga. Pero hanggang ako pa ang kasama nyang magbilang ng sana e mas marami pang araw, linggo, buwan at sana naman e taon na darating pa, patuloy pa rin akong maniniwalang ang infidelity, hindi parang cancer na bubulagain ka kung kelan wala ka ng magagawa, dahil katulad nga ng cancer, ang infidelity pwedeng agapan, pwedeng iwasan. Dahil bagaman ang lahat ng bagay sa mundo e naglalaho, nag-iiba, wala pa ring kasing sarap magmahal sa at mahalin ng parehong taong minahal mo noong umpisa pa lang, sa kabila ng napakadaming pagbabagong dumating at darating pa sa buhay nyo. Truelove nga baga. :)
Tanghalian. Kakatapos ko lang maglaba, magluto, maglinis ng bahay, maligo at magpapogi.  Ang sarap ng ngata-ngata kung hotdog, sabayan pa ng namumutawi sa itlog na sinangag, natapos ng matagumpay at taimtim ang tanghalian ko. Pagkatapos e hinarap ko na ang banyo, nagmuni muni ako, nagvocalization ng unti at biglang parang binato ng jolen ang kokote ko, bakit nga ba ako nag-ulam ng hotdog?

KASI MAY KETCHUP ! NAKALIMUTAN KONG MAGKETCHUP! NGAYON UBOS NA YUNG HOTDOG WALA NA AKONG PAMBILI, TAPOS NA ANG TANGHALIAN ! YUNG KETCHUP HINDI KO NAPAKINABANGAN !
Shitzu.
**

Ang ulan ang sarap matulog.

No comments:

Post a Comment