Ngayon na lang ulit nakatikim ang bibig ko ng yosi. Matapos ang ilang century, ngayon na lang ulit.
--
Tuwing naghuhugas ako ng pinggan, nagsisipilyo ng ngipin, kumakain, nagbabanyo at kung ano-ano pa, tsaka biglang kini-K.O ng mga chubachuchu ang utak ko, mga bagay na gusto kong isulat, mga karanasang bigla kong naaalala, at mga taong nakilala at nabahagian ako ng kapirasong ng buhay nila, nakasakay ko man sa jeep, nakasabay sa pila o maski naka-titigan ko lang sa kalsada, pero tuwing oras na pumipirmi na ako sa harapan ng laptop ko, parang biglang naglalaho lahat, pati nga ata utak ko nasama.
Hindi ako ang pinakamagandang bata sa mundo, ni hindi nga ata ako maganda. Hindi din ako ipinanganak na kasundo ang math, lalong lalo na ang PE. Di ako marunong magbike, di ako marunung magpalobo ng babol gum, di marunung magsplit o tumambling, ni hindi rin ako marunung sumipol. Marami pa akong bagay na hindi kayang gawin, na kahit sinusubukan ko, di ko talaga kaya.
Teka ? san ba papunta tong mga sinasabi ko ? Tsk. Natulo na ang eyebags ko sa kakapuyat, nararamadaman ko na ding gusto na ata akong i-upper cut ng utak ko kakakalikot sa kanya. Gusto ko kasi maging writer balang araw. So? Wala lang nagpapaka-writer lang ako. Nyehehe.
**
Nagsimula lahat ng toh noong 2nd year high school ako. Sumali ako noon sa opisyal na Ingles na pahayagan ng paaralan namin. Awa ng dyos nakapasa naman ako, at noong pagsali ko din na yun na-promote kaagad ako bilang Feature Editor. Oha ang yabang ko. Pero dahil siguro wala pa kami sa sampo na myembro ng pahayagan kaya ako ang suwerteng natoka doon. Masaya naman sya. Unti-unti na akong nag-eenjoy. Noong una kasi ang habol ko lang talaga dun e mapahaba ang listahan ko ng co-curricular activities, pero ng dahil sa kagustuhan kong madagdagan ang co-curricular activities ko, naranasan kong matulog sa labas ng printing press, naulan, malamig at tanging dyaryo lang din ang higaan at kumot, kulang na lang lata tsaka unting sprinkle ng langaw. halos di na kami natutulog noon. Pasok sa umaga, gawa ng dyaryo sa gabi, at hindi pa kasali doon ang samu’t saring paghohost ng mga programs, pagrereview para sa mga quiz bee, meetings, seminars at kung ano-ano pa. Mukha na ako noong zombie/adik/reypis.
Pero noong grumaduate na ako ng High School, unti unti na ding nawala yung interes ko sa pagsusulat. Ng isang araw, nakadampot ako ng libro sa library. ‘’Tutubi, tutubi, Wag kang magpahuli sa Mamang salbahe”, ayun yung title ng libro. Mukhang interesante, kaya binasa ko. Simula noong hiniram ko yun, palage na akong excited umuwi para mabasa ko lang yung librong yun. Pakiramdam ko kasi dinadala ako noon sa panahong ikinukwento nya at ipinapakilala sa mga tauhang binabanggit. Piling ko nga kasama na nila ako. Tungkol sya sa pakikipagsapalaran ng mga magbabarkadang estudyanteng nasa kolehiyo sa batas ng martial law, at sa mga prokopyong nagpatupad nito. Nakakaengganyo. Nakakabukas ulirat. Noon ko ulit naramdamang gusto kong makalkha ng librong katulad noon.
**
Masyado ng mahaba tong mga pinagsasabi ko, pero hindi ko pa rin mahanapan ng koneksyon sa mga unang bagay na binanggit ko. Hehe. Hayaan nyo na nga lang.
No comments:
Post a Comment