If life is giving you so many burdens, take a step back and scheme.
Lumaki akong palaging may dala-dalang problema sa bawat hibla ng buhok ko, mahirap lumaking mahirap, pero hindi iyon ang pinoproblema ko, walang kaso sa akin kung ipananganak man akong mahirap o mayaman, ang pinoproblema ko e ang hindi pantay na oportunidad para sa lahat dala ng hindi pantay pantay na antas ng pamumuhay. Pera, hindi rin iyan ang problema ko, ang problema ko e ang kababawan ng realidad na kapag wala ka nito, hindi ka mabubuhay.
Kung marami kang pera makakapag-aral ka sa mga prehistiyosong unibersidad, kung sasabihin mo namang bobo ka, pwede kang mag-hire ng mga pinagkakapitagang tutor ng sa ganun e makapasa ka sa unibersidad na gusto mong pasukan. Kung marami kang pera at hindi ka kagandahan e may remedyo dyan, andyan si belo at calayan na nakangiti lang at nag-aantay sayong dagdagan pa ang kaban kaban na nilang kayamanan, kung minimal lang ang kapangitan mo e noselift, butox at unting bleach lang yan, pero kung mas maganda pa sayo si rene requestas kahit partidang lalaki pa sya (peace be with you idol) e over-haul na siguro ang kailangan mo. Kung tutuusin kapiraso lang iyan ng papel pero sa kasamaang palad, yan ang pinakamahalaga – sa iba, sa nakakarami.
Napakaraming pa-éklat ng mundo na minsan wala naman talagang significance. Ang maganda para lang kuno sa gwapo, ang panget exclusively for pangit lang din, wala nang rason rason, ganun talaga. Ang mahirap kahit anong gawing pagbungkal sa lupa mahirap pa din, samantalang ang mayaman pa-sitting sitting pretty lang nagkakapera na, milyon milyon pa. Ang daming nagpapatayan ng dahil lang sa mga bagay na mas mababaw pa sa tubig ng kanal, di lang nakakanta ng maayos si kwan sa videoke dahil panay si kwan na lang ang nakanta e ayun nagsaksakan na. Si kwan naman e napagtsismisan lang ni ano na ganyan at ganire e si tsismosa at buong pamilya ni tsismosa e pinatay na, instant massacre , walang kakibot-kibot!
Noong isang araw din habang nagmamasid-masid ako sa facebook e napadpad ako sa isang fanpage na naglilista ng mga Dk kuno na madalas nagpupunta sa gamol (Dk ata e malandi). Mga mahigit ata nasa 20 ang mga nakalista dun, may mga nakapost pa na picture. Natawa, nababawan at naawa ako sa mga nabasa kong koment sa mga taong nasa Dk list. Babuyan kung babuyan. Mantakin mong ang dami daming tao na hindi ka naman kilala at hindi mo rin lalo kilala ang magsasabi ng kung ano-anong masasakit at masasama tungkol sayo? Kung ako nga nakaramdam ng awa para sa kanila, ano pa kaya ang mga mismong taong nasa listahan na yun, sa mga mababasa mo pa lang, malamang ilang araw ka ding magkukulong sa kwarto’t ngangawa. Iyan ang isang hindi ko na talaga maintindihan sa mga kabataan sa ngayon, magpapadami ng kaibigan, magpapasikatan, kungwari palageng sarap-sarap buhay, punta sa ganyan inom sa ganto, pagkatapos ng kanya-kanyang gamitan, ayun na at maglalaglagan, kanya kanya ng iwanan sa ere. Paikot-ikot lang yun. Blah blah blah.
Lovelife. Isa din yan sa mga problema ko pero hindi ko na masyadong pinagtutuunan ng pansin dahil sa edad kong ito, hindi pa naman talaga dapat. Pero at isa uling malaking PERO, ang dami, actually, ang dami-daming mga kabataang halos jan na paikutin ang buong buhay nila. Walang katapusang aylabyuhan sa facebook, mismong newsfeed e ginagawa ng isang episode ng xerex at take note, mga hindi pa pala graduate ng high school. Ano ber ! Dinadaig nyo pa ako. Isa talaga sa mga concern ko e iyong early pregnancy (patalon talon ang mga pinagsasabi ko, u-mo-o ka na lang). Hindi ako naaawa sa nabuntis at nangbuntis, naaawa ako sa magulang tsaka sa magiging anak. Imbes na suklian mo ang lahat ng paghihirap ng mga magulang mo para sayo, e dagdag gastusin nanaman sa gatas, diapers, mga gamut at vitamins ang ibibigay mo sa kanila. Tumatanda rin sila, at hindi lang dapat puro ikaw, puro sayo. Madalang kang makakakita ng mga kasulatang ‘obligasyon ng anak ang magulang’ pero, bilang may kaluluwa, konsensya at puso, hindi mo lang yun basta obligasyon, RESPONSIBILAD mo iyon, kung meron ka man nung tatlo nabanggit sa itaas. Oo panahon ng pag-eeksperimento at paghahanap sa sarili ang pagiging tinedyer, pero walang nagsabing panahon din ito ng pagiging iresponsable. Sa bagong buhay na binuo ninyo, sama-sama na kayong tatlong walang patutunguhan, at ineng hindi maganda iyon diba? Sa kahit anong rason at palusot, hindi talaga iyon maganda.
Teka, ang dami dami kong problemang binanggit pero hindi naman talaga lahat ng yun ay akin (maliban na lang doon sa nauna, akin na akin talaga yun). Siguro lahat lang talaga ng tao may problema, kung wala kang problema malamang hindi ka tao. Ang problema parang excuse lang yan ng napakaraming politiko, hindi nauubos. Imbes na basta lang problemahin, bakit hindi na lang solusyunan, kung wala talagang solusyon e wag na lang problemahin.
Masyado nang mahaba tong panenermon ko. Ngayon pinoproblema ko naman kung paano ko ito tatapusin. Tsk.
Grr, brain overload ! ay este brain drain pala. Wala na kong maisip, kaya ayun, blanko. Tooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooot.