Ang pangit pala ng lasa ng 'FOREVER' .. lasang babol gum na sampung taon mo ng nginunguya. Nakakasawa. Parang relasyon namen, walang katapusang iyakan, sigawan tampuhan tsaka sumbatan. Pero ang nakakainis, kahit halos normal na samin ang mga paulit ulit na ganun, di ko sya magawang iwanan, parang wala din naman ata syang planong pakawalan ako. Kumbaga sa mga preso, plano lang kami ng plano kung paano kami makakatakas pero kahit kelan, ni isa walang nagtangkang humawak sa rehas na nagkukulong sa ming dalawa. Isang taon na kami at magtatatlong buwang going steady, pero sabi nya sandali pa lang yun. kung para sa kanya sandali pa lang ang isang taon, ano kaya talaga ang konsepto nya ng matagal ? Natatakot tuloy ako. Ayoko kasing dumating kami ( SYA ) sa puntong nag-aarian na lang kami at hindi na nagmamahalan. Mahal ko sya. Sabi nya mahal na mahal nya din ako, pero ang problema.. Hindi ko yun maramdaman. Kung nakakain at napapahid lang sana ang mga salita maniniwala pa ako, ang kaso hindi. Habang patagal kami ng patagal mas lalo akong nawawalan ng lakas para makita syang di na akin, makitang yung sinasabi nyang forever, sa iba na nya kinukwento. Siguro parehas lang kami ng nararamdaman, parehas lang din kaming nagpapakiramdaman. Sabi nga nya normal lang toh sa lahat ng relasyon at sa lahat ng magkarelasyon. Pero kasi ayoko huminga at mabuhay sa gantong klase ng paniniwala. Pinipilit ko sa kanyang may posibildad na maghihiwalay din kami balang araw pero ang dating sa kanya nun, intro ko lang yun para sabihin sa kanyang ayoko na. Kumbaga sa guro, sya yung klase na walang ibang totoo kundi ang mga pinaniniwalaan nya. Ang hirap sumecond emotion, lalabas nanaman kasing ako ang masama ako ang madaling magsawa ako ang manloloko. Nakakapagod na.
Mahal ko sya. Sabi nya mahal na mahal nya din ako.. sana nga.
No comments:
Post a Comment