Pages

Thursday, November 3, 2011

Medicol.


Ang bigat bigat ng ulo ko, siguro lumipat na sa bunbunan ko yung babae sa shutter (wehe korni). Ilang araw na din kasi akong walang maayos na tulog, pag-aaral, pamilya, pera, pera, pera, relihiyon, pera, boypren, pera tsaka mga hubad na litrato ni akihiro sato , ilan lang ang mga yun sa kumukutkut sa kokote ko nitong mga nakaraan. Ilang araw na lang papasok na ako, kinakabahan ako hindi dahil wala akong kakilala, kinakabahan ako kasi baka hindi perfect fit yung uniform na pinatahi ko, ayoko ng magmukhang kurtina magpakailanman.

Noong nag-enroll ako ang dami kong nakitang mga bagong mukha, karamihan pagkakaganda, pero wala akong pakialam, kahit pa kasi nuknukan pa sila ng pangit wala pa din akong pakialam, wala.

Anyway, tayo ay tumalon na lamang sa ibang paksa.

Nitong mga nakaraan, tinatamad na akong gumamit ng mga social networking sites (Facebook, Tumblr) kung hindi kasi pa-like ang bubungad sayo paglog-in mo sa Fb e paggawa ng fansign, penge ng ganito at ganire at kung ano-ano pang pabor sa kanila. Meron pa nga akong isang nakita doon na gumawa ng sarili nyang fanpage na kung tutuusin e, hm, mukha namang mabait pero kinulang nga lang sa magic sarap ang pagmumukha na award na award ang pangangarir sa pagpapalike ng fanpage nya. Hindi naman sa kontrabulate ako sa mga gumagawa ng sarili nilang mga fanpage, ang sakin lang, wag kang mamalimos sa akin ng like o sa kahit sino pa, dahil ang fanpage dong in the very first place, ay dapat gawin ng mga fans at hindi ng mismong may fan kuno, at isa pa, hindi iyan mandatory, buti sana kung may libreng isang kilo ng bigas ang bawat isang magla-like sa page mo e ayos ayos pa. Gumawa ka ng isang daang fanpage mo o kahit ilan pa ang gusto mo, pero, wag na wag kang lalapit sa akin, intiende? Osha peace be with you.

No comments:

Post a Comment