Minsan nakakatamad ng sundin ang mga ‘dapat’ ng buhay. Bakit naman kasi lahat ng kasiyahan sa mudo palageng kailangang may pre-requisite. Kailangang dumaan ka muna sa kung ano-anong rimburak para makatikim ng kending hindi rin magtatagal e lilipas at matutunaw din sa bibig mo.
Life.
Kung iisipin e napakasimpleng salita lang, aapat na titig nga lang, pero kung susubukan mong intindihin at pagkaisipan ng mabuti, malalaman mong dun umiikot ang lahat ng bagay sa mundo. Maski ikaw.
Yung inaakala mong mga bagay na natutunan mo na e wala pa pala sa kalahati ng mga dapat mo pang malaman. Pagnakaranas ka ng sobrang lungkot iisipin mong hindi lahat sa buhay e puro saya, puro tawanan, at kung nakaranas ka naman ng sobrang kasiyahan maiisip mong lahat ng bagay kahit ilan pang bagyo ang dumating e may sisilay pa ring liwanag, at sa minsanang mga pagkakataon e di mo maiiwasang makaranas ng pakiramdam na parang wala ka ng maramdaman, wala kang makitang rason pero nasasaktan ka, walang dahilan pero sa puso mo alam mong masaya ka, at kung minsan, wala kang maramdaman, blanko, yung tipon wala talaga. Sa mga pagkakataong yun, doon mo masasabing inosente ka pa talaga.
Hindi lahat ng nasa mundo e kayang bigyang rason ng buhay. Dumating pa nga ako sa puntong naiisip kong tayong mga tao e mistulang mga puppet lang na pinapagalaw ng kung sino man.
Naniniwala ako sa Diyos, walang duda yun. Mas okey ng may pinapaniwalaan kesa wala. Marami na akong nakitang mga pangyayari na lalong nagpatatag ng paniniwala ko sa kanya, at kung ano man ang mga yun, akin na lang siguro sila. Hehe
Inantok ako bigla. Iidlip muna ako.
No comments:
Post a Comment