Head-turner ako. Oo inuulit ko head turner ako, ngunit hindi dahil sa maganda ako o malaki man ang ano sa akin, head turner ako dahil pang-out of this world ang mga paniniwala ko sa buhay, kaya siguro ayun, naglalabasan lahat sa pagmumukha ko, sa mga taong nakakasalubong ko, para akong alien, kakaiba, weirdo, abnormal.
Tuwing nagpupunta ako sa mall, pagpasok ko pa lang anjan na yung mga clerk na kung makatitig e kala mo abay merong nakadikit na ari sa noo ko, yung iba magbubulungan pa sabay magtatawanan, ngumingiti na lang ako, at least sikat.
Noong isang araw din may nakasakay akong tatlong lalaki, yung isa natatawa na nagpipigil lang, tinitigan ko sya ng mabuti mula ulo hanggang paa, maka-sampung beses ko atang ginawa yun, natahimik sya, nakukuha naman pala sa tingin e. Yung dalawa nyang kasama nahalata atang iniintimidate ko yung kasama nilang isa kaya mga nagsidungawan na lang sa bintana, at ayon sa obserbasyon ko, mukha silang mga construction worker, construction worker nga ata talaga sila dahil sa mga bitbit nilang mga gamit, at yung isa dun schoolmate ko noong high school, nasa lower section nga lang sya, so ibig sabihin nun, hindi sila kagwapuhan, hindi katalinuhan, hindi pa kabaitan, kung semplang sila sa lahat ng yun, anong karapatan nilang magpakita ng hindi kagandahang asal sa iba?
Noong nakarating din ako sa mall e pagpasok ko dun sa isang stall ng mga cellphone e may nasalubong akong tatlong babaeng biglang nagsipagtawanan pagkalagpas ko sa kanila, wtf?! Siguro mga kasing edaran ko lang yung mga yun, pero masasabi kong mas responsible ako sa kanila, kilos pa lang nila, halatang mga immature na.
Kasalanan ko bang mas matalino kung nagagamit ang kalayaang meron ako kumpara sa iba? Wala akong pakialam sa pananamit ko, sa ayos ng buhok ko o maski sa pagkakayari ng mukha ko, hindi dahil sa gusto kong maging sikat at mas magings angat sa iba, ginagawa ko yun dahil sa ganoong paraan ako mas komportable.
Hindi ako naiinis o nagagalit sa mga taong stereotypical kung mag-isip, bagkus naaawa ako para sa kanila. Matutulog sila sa gabing natatawa dahil sa nakasalubong nilang babaeng may kakatuwang buhok at pananamit kanina, pero bukas paggising nila, ano? Nakakulong sila sa paniniwalang hindi sila magiging katulad noong babae dahil ayaw nilang mapagtawanan, ayaw nilang mga mapagbulungan ng mga kapareahas nilang mapanghusga. Mabubuhay silang bilanggo sa takot sa mga sasabihin ng iba, tatanda silang blanko, mamamatay silang playing safe.
At least ako masayang nabubuhay sa mga paniniwala ko, wala akong pinagsisisihan at lalong lalo nang wala akong gustong baguhin, meron akong mga totoong kaibigan at mga magulang na nuknukan ng supportive. Ang pinakamagandang idinulot sa akin ng lahat ng ito, meron akong espesyal na kakayahang makita ang tunay sa peke, nakikita at natatangis ko ang tunay sa pagpapanggap.
Kaya ikaw, sa susunod na titingnan mo ako ng masama, sige lang.
WOW! Iba ka! your one of the kind. Kung mababasa lang ito lahat ng nakakakita sa iyo ng personal mahihiya sila sa sarili nila.
ReplyDeleteTama ka di mo kailangang baguhin ang sarili mo! Mas angat ka sa mga taong naghuhusga sa iyo.
Be your self sabi nga nila. At hindi importante ang magiging tingin ng ibang tao sa iyo... Importante masaya ka sa ginagawa mo at naiintindihan ka ng mga taong mahal mo!
The best You!
Salamat salamat ^^
ReplyDeleteHands-up ako sayo. :) Yezzz!
ReplyDelete:D
ReplyDelete