Pages

Tuesday, August 23, 2011

may maipost lang. tae

The fact is I can’t think of something to tell. My life has been one heck of a ride this year. Problems and trials had preoccupied my entire system that I have lost my appetite to write. How’s everyone doing anyway?  Tsk. I don’t even know if I have viewers still. My head is getting empty of words to speak, in fact, im arguing with myself now of whether I should post this I-don’t-know-how-to-start-or-either-to-end article of mine. Oh yeah crap, so lets just have my consciousness do the talking.

**
I have gained another age, Dalaga na ako. Para akong matabang babae na ngayon lang tinanggalan ng girdle sa mahabang panahon, gutom na gutom sa lahat ng bagay na dating ipinagkakait sa akin ng mundo, yung mga bagay na ika nga e “Pang-Matanda” lang. Pwede ko ng gawin lahat ng gusto kong gawin ngayon. Maglasing habang buhay, bumili ng condom, yosi at sigarilyo sa mga convenient store, magboyfriend, maggirlfriend, mamakla , magpaabot ng madaling araw sa mga kalsada, pumasok sa kung saan saang bar, maghanap ng trabaho, magpaka gago, magpabuntis at mambutis pero syempre tsaka ko na gagawin lahat ng yun kapag napagsikapan ko ng suklian ng sobra sobra lahat ng pagpapakakalabaw  dahil sa akin ng mga magulang ko. Siguro ang gagawin ko pa lang sa ngayon e yung pagbili ng yosi sa convenient store tsaka yung maglasing(pero hindi naman habang buhay).
Ngayong disi-otso na ako at nabibilang na sa mga ganap na kuno ang kaisipan, mas lalo ko ng naiintindihan ang mga sinasabi sa akin ng mga magulang ko nung mga panahong pagkakaroon lang ng beyblade ang tanging pangarap ko sa buhay. Mag-aral ng mabuti, wag kaagad magboboyfriend, makinig ng maigi sa titser, wag mang-aaway ng kaklase, wag makikipagusap sa di mo kilala, wag kakain ng pishbol at manggang may alamang sa labasan, wag magbababarkada sa mga sanggano, wag magsisinungaling, wag mangungupit, sa gilid palage magdaan at madami pang wag, sa at iba pa. Pero sa lahat ng yun, kaunti lang ata ang nagawa ko, yun lang atang, ay ewan wala pa nga ata. Minsan nga siguro okey ding hindi sumunod sa lahat ng sinasabi sayo, para sa ganoong paraan, mas matutunan at maiintindihan mo kung bakit dapat pala sa una ay sinunod mo nang lahat yun. Ganun naman kasi talaga ang tao, mas natuto sa pinakamahirap na paraan. E tao lang ako, tao lang din ang mga magulan ko, di nila mapipigilang magbili at mag-alala, ako naman bilang anak, di ko din mapipigilang magtaka at sumubok, at oo , magkamali.

**
Noong isang araw habang naglalakad ako sa mall, may narinig akong dalawang mga dalagita, mga neneng pa nga ata yun na galak na galak sa pinag-uusapan nila tungkol sa mga lalaki, si ganto daw e nililigawan sya e sila pa daw ni ganto, yung isa naman ang sabi e sagutin na lang daw, kasi si ganto nga daw e sinagot nya na pero sila pa ni ganto. Ano kako ? Aba’y kakaumpisa pa nga lang ata ng mga toh magkaroon ng buwang dalaw e halos ginagawa ng libangan ang pakikipagrelasyon. Iyon ang isa sa mga isyung napapnsin ko sa mga kabataan ngayon. Pabata nang pabata ang edad ng mga naeengganyo ngayon sa pakikipagrelasyon. Bigang naging commentary? Haha balik sa normal.
**
Hindi ako rakista, o scene, o metal o ano. Karamihan kasi ng tinatanung sa akin ng mga friends ko sa FB e kung ano daw ang genre ko. Parang sardinas na ba ang tao ngayon ? pare- parehas lang namang isda, pare-parehas lang galling sa dagat nagkaiba nga lang sa brand name. kung sasabihin ko bang metal e biglang babango ang pangalan ko sa lahat ? kung scene ba e instant celebrity na ba ako? At kung rakista ba e tutubuan ba ako ng sandamukal na angas sa katawan? Pasikatan. Yan ang kinakarir ng madami sa ngayon. 

Sunday, January 16, 2011

pag-ibig chuba

 Ang pangit pala ng lasa ng 'FOREVER' .. lasang babol gum na sampung taon mo ng nginunguya. Nakakasawa. Parang relasyon namen, walang katapusang iyakan, sigawan tampuhan tsaka sumbatan. Pero ang nakakainis, kahit halos normal na samin ang mga paulit ulit na ganun, di ko sya magawang iwanan, parang wala din naman ata syang planong pakawalan ako. Kumbaga sa mga preso, plano lang kami ng plano kung paano kami makakatakas pero kahit kelan, ni isa walang nagtangkang humawak sa rehas na nagkukulong sa ming dalawa. Isang taon na kami at magtatatlong buwang going steady, pero sabi nya sandali pa lang yun. kung para sa kanya sandali pa lang ang isang taon, ano kaya talaga ang konsepto nya ng matagal ? Natatakot tuloy ako. Ayoko kasing dumating kami ( SYA ) sa puntong nag-aarian na lang kami at hindi na nagmamahalan. Mahal ko sya. Sabi nya mahal na mahal nya din ako, pero ang problema.. Hindi ko yun maramdaman. Kung nakakain at napapahid lang sana ang mga salita maniniwala pa ako, ang kaso hindi. Habang patagal kami ng patagal mas lalo akong nawawalan ng lakas para makita syang di na akin, makitang yung sinasabi nyang forever, sa iba na nya kinukwento. Siguro parehas lang kami ng nararamdaman, parehas lang din kaming nagpapakiramdaman. Sabi nga nya normal lang toh sa lahat ng relasyon at sa lahat ng magkarelasyon. Pero kasi ayoko huminga at mabuhay sa gantong klase ng paniniwala. Pinipilit ko sa kanyang may posibildad na maghihiwalay din kami balang araw pero ang dating sa kanya nun, intro ko lang yun para sabihin sa kanyang ayoko na. Kumbaga sa guro, sya yung klase na walang ibang totoo kundi ang mga pinaniniwalaan nya. Ang hirap sumecond emotion, lalabas nanaman kasing ako ang masama ako ang madaling magsawa ako ang manloloko. Nakakapagod na.








Mahal ko sya. Sabi nya mahal na mahal nya din ako.. sana nga.

Wednesday, January 5, 2011

 woooo. im just so tired and confused.



 --

 everyday passes by damn so slow ! am should be now killing my time doing school stuffs or maybe working like a horse for me to earn money .. but where am i ? im pickled in this room. geez.

Tuesday, December 14, 2010

bachichu !

Noong bata pa ako akala ko totoo si Sta. Claus kamukha ng totoo ang mga multo, na di ka magugutom basta may tanim lang kayong santan, na hindi ka tutubuan ng ngipen na kasing laki ng sa rabbit kapag ibinato mo yung bagong bunot sa bubong, na sasakluban ka ng kaldero kapag hindi ka kumaen, na mapapanaginipan mo yung crush mo kapag inilagay yung mo yung picture nya sa ilalim ng unan mo at kung ano ano pang NA. Pero nung lumaki ako lahat ng akala ko nagmistulang isang pelikulang akala ko e yung iniiisip ko na yung ending pero hindi pala. Bakla palayung bidang babae sa sobrang di natanggap nung bidang lalk nagpakamatay sya,perohindi padoon nagtatapos ang kwento? bumalik sya nagmulto (blah blah), ang akala kong love story horror pala. Hindi naman pala talaga tunay si Sta. Claus, dahil kung totoo sya e di sana nalulugi ang lahat ng department store sa buong mundo tuwing pasko, at kung totoo man sya di pa din sya magagwi dito dahil wala namang chimney ang pilipinas. At ang multo? gawa-gawa lang sila ng mga TV Station para tumaas rating nila tuwing haloween. Ang mga santan naman, nuknukan ng takaw naten pagkain na lang ng bubuyog kakainin pa naten? at yung sa ngipen? ewan ko dun. Tungkol naman sa kaldero sa dami ng nagugutom sa pilipinas at walang makain e wala pa namang napapabalitang tinalukban sila ng kaldero. at yung sa crush? wag na yun tinatamad na ako.


- at ayun tinamad na nga ako. haha =)

Wednesday, November 10, 2010

Sa sobrang layo ng langit kailangan mo munang maglakbay ng mahigit 80 years para lang makapunta dun. At sa paglalakabay mo marami kang makikilala, maraming makakasalubong makakakwentuhan, makakashot, magiging kaibigan at magiging parte ng buhay mo. Siguro may ibang pandalian lang, meron din ibang good for eternity. Pero kahit wala pa ako sa kalahati ng paglalakbay ko, alam kong nakita ko na sila, nakainuman ko pa nga, :)

Saturday, November 6, 2010






:)))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))

Wednesday, October 6, 2010

:(((((((((((((((((((((((((

One thing i hate the most -- Excuses.

--

The reason for schooling is to gain knowledge and to exercise your faculties, to be the better person you parents wanted you to be, the citizen your society can depend on, the man responsible for his every deed & action he commits. But to some of the person I know, education is like purchasing a rainbow coat during summer, they can have it whenever they wanted to with the mere fact that they do it not for the benefit of themselves but only to have-it-due-to-momentariness. I hate them ! I hate them a lot.

Sunday, October 3, 2010

Insights

 Life has never been this good and tragic to me as though two seasons are rigged in the same dusk and dawn. I'm in search of the realness of each beneath, of the answers of each why's, of the truth behind lies. We are all living in a world where we don't have any cue of what tomorrow will offer us and where it will lead our hopes and dreams.


It's only when we truly know and understand that we have a limited time on earth -- and that we have no way of knowing when our time is up -- that we will begin to live each day to the fullest, as if it was the only one we had.
- Elisabeth Kubler-Ross 



Life is indeed like a film thoroughly repeated and we, human are not really aware of that, maybe some were, but for the sake of the goodness of mankind and LIFE itself, were tolerating it awarely for a million times. Maybe its not actually for the purpose of playing safe but for maintaining, coping and living life as how it must be. But, how can we know if were living life as intended and purposely? How can we.




 

Monday, September 20, 2010

PAEKLATS

Habang tumatanda ako, mas lalo kung naiintindihang lahat ng bagay sa mundo, pinaghihirapan. Walang propesyon o kahit anumang bagay ang pwede mong makuha ng isang tulugan lang. Kung baga sa prutas kailangan muna iburo, sa kanta kailangan muna icompose, sa applications kailangan muna idownload, at sa marami pang pwedeng i-example. Bukod sa makapagtapos ng pag-aaral, magpayaman at mabuhay ng simple at masaya, may iba pa pala akong gusto ..





**
Gusto kong tumugtog sa isang sikat na tanghalan kasama ang banda ko at iba pang MALALAKING BANDA. Di ko pinangarap yun kahit minsan, pero ngayon oo, palage na, gabi-gabi, habang nasa cr, bago matulog. Pagnaumpisahan mo na pa lang makarinig ng palakpakan, ng compliments at makahawak ng instruments, tuloy tuloy na yun, hahanap-hanapin mo na. Maglalaro na sa isip mo yung salitang PAGSIKAT, at hindi mawawala dun ang salitang SHOWBIZ. Pero ayoko namang sumikat kame na pangTV ( kung sakali lang naman ) gusto ko lang manantiling ganto, pero kumikita :)) syempre para may pantustus naman kame kahit papaano.



Gusto kong grumaduate ng may HONOR !!! Di naman ako masyadong excited sa pagtype ng salitang honor, gusto ko lang talaga iCapsLock. Kasi para sa akin yun yung magiging basehan ko para kahet papaano ikatuwa naman ng mga magulang ko na ipanganak ako sa mundo. Siguro lumaki akong may ganon ng klase ng paniniwala, o nahubog lang talaga ako ng paligid ko na dapat ay ganoon ang paniwalaan ko. Di ko man kaya ko, pero kaya ko yan !  haha KAYA KO YAN :D


Gusto kong mabuhay ng malaya at masaya. Malayo sa panghuhusga at Expectations. Simple. :))











----
Pagod na ako. Nextime na lang haha :DD
Offline ♥



Wednesday, September 15, 2010

Sigh *



Nakakaburyo. Naghahanap ako ng bagong adventure pero walang bago. walang nakakatuwa. Paulit-ulit lang lahat. Para lang akong paulit-ulit na sumasakay ng LRT biyaheng Santolan hanggang Recto, pabalik balik. Nakakasawa. Ang dami daming tumatakbo sa isip ko pero hindi ko naman alam kung papano ku sila hihimayin isa isa. wew.