Pages

Monday, September 20, 2010

PAEKLATS

Habang tumatanda ako, mas lalo kung naiintindihang lahat ng bagay sa mundo, pinaghihirapan. Walang propesyon o kahit anumang bagay ang pwede mong makuha ng isang tulugan lang. Kung baga sa prutas kailangan muna iburo, sa kanta kailangan muna icompose, sa applications kailangan muna idownload, at sa marami pang pwedeng i-example. Bukod sa makapagtapos ng pag-aaral, magpayaman at mabuhay ng simple at masaya, may iba pa pala akong gusto ..





**
Gusto kong tumugtog sa isang sikat na tanghalan kasama ang banda ko at iba pang MALALAKING BANDA. Di ko pinangarap yun kahit minsan, pero ngayon oo, palage na, gabi-gabi, habang nasa cr, bago matulog. Pagnaumpisahan mo na pa lang makarinig ng palakpakan, ng compliments at makahawak ng instruments, tuloy tuloy na yun, hahanap-hanapin mo na. Maglalaro na sa isip mo yung salitang PAGSIKAT, at hindi mawawala dun ang salitang SHOWBIZ. Pero ayoko namang sumikat kame na pangTV ( kung sakali lang naman ) gusto ko lang manantiling ganto, pero kumikita :)) syempre para may pantustus naman kame kahit papaano.



Gusto kong grumaduate ng may HONOR !!! Di naman ako masyadong excited sa pagtype ng salitang honor, gusto ko lang talaga iCapsLock. Kasi para sa akin yun yung magiging basehan ko para kahet papaano ikatuwa naman ng mga magulang ko na ipanganak ako sa mundo. Siguro lumaki akong may ganon ng klase ng paniniwala, o nahubog lang talaga ako ng paligid ko na dapat ay ganoon ang paniwalaan ko. Di ko man kaya ko, pero kaya ko yan !  haha KAYA KO YAN :D


Gusto kong mabuhay ng malaya at masaya. Malayo sa panghuhusga at Expectations. Simple. :))











----
Pagod na ako. Nextime na lang haha :DD
Offline ♥



Wednesday, September 15, 2010

Sigh *



Nakakaburyo. Naghahanap ako ng bagong adventure pero walang bago. walang nakakatuwa. Paulit-ulit lang lahat. Para lang akong paulit-ulit na sumasakay ng LRT biyaheng Santolan hanggang Recto, pabalik balik. Nakakasawa. Ang dami daming tumatakbo sa isip ko pero hindi ko naman alam kung papano ku sila hihimayin isa isa. wew.

Friday, September 10, 2010

PAGOD.

Ang sakit sa utak.





**



Kabi-kabilang mga projects, activities, competitions, sandamukal na pressure at expectations. Tulog na lang ang pahinga. Di pa nga siguro e. Wala na ata. Family, School, Peers, Lovelife, Self-worth. Paano ko pagkakasyahin ang isang sako ng bigas sa iisang plastik ng mantika ? Kung totoo lang sana si Superman e di sana natanung ko na sya. Iyan ang downside ng mga Superheroes. Ang lalakas nga, walang hindi kayang i-solb, pogi, maganda, macho, sexy ang kaso -- pagsabi ni direk ng CUT ! Tapos na rin ang pagiging superhero nila. Purely film, hindi totoo.


Kung ako bibigyan ni papa jesus ng kapangyarihan, gusto ko yung kapangyarihang makaya ang lahat ng problema ko at ng ibang tao. Di naman sa gusto kong makatungtung sa malacaƱang at masabitan ng kung ano-anong bakal sa leeg, gusto ko lang kasi gusto ko. Wala ng masyadong madami pang paliwanag.



**



ANIM NA ORAS NA AKO SA HARAP NG COMPUTER PAALAMS NA MUNA.



* OFFLiNE !

Sunday, September 5, 2010


When trust has been put to a test, It will never result to a pure love affair. For once and for all, trust must be kept in the most isolated part of the entity, in a place where it cant be damaged and will be rendered the most of care and affection. :((

Thursday, September 2, 2010

PWEDE.

HANGGANG DI KO NA NADUGUTUNGAN ANG WALANG KAMATAYANG EXCUSE NG KATAMARAN KO -- ANG TO BE CONTINUED. DI NAMAN SA TAMAD TALAGA AKO (KONTI LANG ULIT). DI KO LANG NATATAPOS ANG MGA POST KO DAHIL SA MGA FACTORS NA ITO ( NA PAUSO KO LANG ) :


FACTOR NO. 1

* TIME NA !

IYAN ANG ISA SA MGA FACTOR NA MASASABI KONG DI MAIIWASAN O IN NATURE ( MALI ATA GRAMMAR KO BASTA YUN) . SA ILALIM NG FACTOR NO. 1 AY MAY MGA SUBORDINATING FACTORS DIN. SILA AY ANG MGA SS :

- MAHIRAP LANG AKO.
- KUNG MAGTATAGAL PA AKO E WALA NA AKONG IPANGBABAON SA PAARALAN.
- MABAIT AKO KAYA PALIMA-LIMA LANG KINUKUPIT KO KAY MAMA.
- TINATAMAD NA AKO.

FACTOR NO. 2

* FACEBOOK :3

SINO BANG HINDI NAGFEFEYSBOOK ? KAHIT NGA ATA SILA LOLA AT LOLO E MAY ACCOUNT SA FACEBOOK. BAKA NGA MGA FULL NA ANG FRIENDLIST. AYUN, DAHIL KAKAFACEBOOK DI KO NA NATATAPOS POST KO. AYUN. HEHE ( WALA NG MAISIP ).






HEHE.







INABUTAN NA NAMAN AKO AKO NG KABOBOHAN. WALA NA AKONG MAISIP. TO BE CONTINUED NA LANG ULIT. HEHE :D




-------------------------------------------------------------------------------------- :)






KAKATAPOS LANG NG EXAM NAMIN KANINA SA SOC 10 TSAKA FOOD AND BEVERAGE. SABI NI MAM KAILANGAN KO DAW MAKA-110 NA ISKOR PARA MAKA-UNO SA SOC. WATDA ?!! SO DAPAT 10 LANG ANG MISTAKES KO ? PARA NAMAN AKO NUNG SUMALI SA GAMESHOW NA KAPAG NAKASALO AKO NG TATLONG HANGIN E MAKAPAGUUWI AKO NG TUMATAGINTING NA GIFT PACKAGE FROM REXONA AND VASELINE ? WEW. PERO DAHIL NANDUN NA AKO SIGE. I-WANHANDREDTEN NATIN TOH !! AT LUMAGAPAK NA ANG EXAM PAPER SA PAGMUMUKHA KO ( CHAROT ! SA DESK LANG NAMAN ) . MEDYU SMOOTH PA YUNG UMPISA, NASASAGOT PA NG BUONG TIWALA SA UTAK KONG KANINA PA NGUMANGAWA. PAGLIPAT KO NG PAGE .. SEQUENCING ! BIGLANG NAWALA LAHAT NG NIREBYU KO KAGABI AT TSAKA KANINANG PAGGISING KO AT TSAKA KANINANG HABANG NALILIGO AKO AT TSAKA HABANG NASA JEEP AKO AT TSAKA HABANG HINIHINGAL HINGAL PA AKO KAKAAKYAT SA HAGDAN. AY PUGA ! SINO NGA SI EMILIO AGUINALDO ? SINO NGA SI MCARTHUR ? YUNG PEARL HARBOR BA E SA AFRICA ? WALA NA. BUHOL BUHOL NA KOKOTE KO. SANA MAY BUMABANG ANGHEL AT ABUTAN AKO NG ANSWER KEY NA AKO LANG ANG MAKAKITA. KASO WALA. PAGMUMUKHA LANG NG PROCTOR NAMIN ANG BUMULAGA SA AKIN, INABUTAN AKO NG PAPEL AKALA KO SYA NA YUNG ANGHEL NA HINAHANAP KO NANGUDNGUD LANG SA PUTIK YUNG MUKHA, KASO ULIT, ATTENDANCE LANG PALA. WATDANG BUHAY NAMAN TALAGA. PERO KUNG INAAKALA MONG TUMULALA NA LANG AKO HANGGANAG MATAPOS ANG EXAM SYEMPRE NAGKAKAMALI KA ? PARA SAAN PA ANG MINANA KO PANG GALING KAY MADAM AURING ? NANGHULA AKO. SANA NGA LANG TUMUMBOK. * CROSSFINGER *





**



ALAS TRES NG TANGHALI. SIESTA TIME. WALANG MAGANDANG MAPANUOD SA TV NAMING LOCAL , WALANG CABLE. NILIPAT NI PAPA YUNG CHANNEL SA 9. ANG PALABAS BIDA PURO MGA KUTCHILYO. MAY PANG ALL PURPOSE, MAY PANG CHOP, MAY PANG FILLET. YUNG MAMA NGA PINANGHIWA PA YUNG KUTSILYO SA BATO, SA BAKAL, TSAKA SA MISMONG CHOPPING BOARD. WALASTIK ? NAPANUUD AKO. PAGKATAPOS, HINIWA NAMAN NYA NG WALANG KAKIBOT KIBOT YUNG PINYA, DI NGA GUMALAW E ? TAPOS YUNG KAMATIS TSAKA YUNG DE LATA. SA GITNA NA PALA HINIHIWA ANG DE LATA NGAYON ? AKALA KO SA TUKTUK E. PAGKATAPOS NG WALANG KAMATAYANG DEMO, PINALABAS NAMAN YUNG MGA NAKAGAMIT AT NAKABILI NA KUNO. ANG GALING DAW, NAPAGAAN DAW NUN YUNG BUHAY NILA, WALA DAW KASING GALING. KUNG PAPAPILIIN KO KAYA SILA KUNG YUNG KUTSILYO BA O HAIR CURLER, PIPILIIN PA RIN KAYA NILA YUNG KUTSILYO ? NATAPOS YUNG PALABAS. INANTOK NA RIN AKO. PATAY ANG TB.



**


TO BE CONTINUED.
( again :P )

Sunday, August 29, 2010

OO.

mixed emotions.



gusto ko ng grumadweyt. nalulungkot ako dahil namatay na si papu. bukas midterms na. nagugutom ako. nakakabagot na magfacebook. hay. gusto ko maglakad ng malayong malayo..





**

nung isang araw sumakay ako ng jeep. bihira lang ako umupo sa frontseat pero dis taym umupo ako. yung driver matanda na. as in matandang matanda na talaga. katabi ko sa frontseat e yung batang konduktor. habang umaandar yung jip. umaandar din yung kwento ni manong. sabi nya pagnagkajip daw sya kukuhain nya daw konduktor yung bata. sabi pa nya sayang daw at dapat nag-aaral yung bata. kasi daw sya nung pinag-aral di nagtino palaging nagcucutting tsaka gumigimik kasama mga barkada nya. habang tumatagal yung kwentuhan nila ung bata, lalo kung nakikinitang mabuting tao si manong. kung magkakaroon lang ako ng limpak limpak na pera bibilhan ko si manong ng isang daang jip. kaso parehas lang kaming mahirap. at nung mga oras na yun, napag-isipisip ko, may mga katulad pa pala ni manong, maganda pa rin naman pala ang mundo kahit papaano.


**


kakauwi ko lang galing studio ng mapanuud ko yung nangyayaring hostage taking. noong una akala ko nananaginip lang ako dahil sa gutom at dahil na din sa wala na akong ipangaallowance bukas. sila mama akala mo nanunuud ng pelikula ni sharon cuneta, tutuk na tutuk. mga di na nga ata kumain dahil pagbukas ko sa kaldero walang bawas yung kanin. di na nga rin ako nakakain ng maayos e. parang hinahalina na rin ako ng tv para manuud at ng bolpen at papel para magsulat ng sarili kong komentaryo. wala akong masimulan. gulo gulo yung isip ko. di ko naman kasi alam yung bawat anggulo ng istorya pero sa kaibuturan ng puso ko, naawa ako sa hostage taker. lukso ng dugo ? wag naman sana. naawa ako dahil siguro katulad ng ibang lalaki tatay din sya, may pamilyang umaasa sa kanya, may mga anak na nag-aantay sa kanya. nakakatakot mapunta sa ganoong sitwasyon ? yung tipong sumuko ka man o hindi tiyak, mamamatay ka pa rin. pero syempre panig pa rin ako sa mga hinostage mga walang malay yun e. mga foreigners. pero ?? ewan. basta akin na lang yung opinyo kung iba pa. hehe.



**


DI PORKET SABI NILA E MATALINO KA E RESPONSIBILIDAD MO ANG PAGSAGIP SA MGA GRADES NILANG NAGHIHIKAHOS. TAO KA LANG DIN. PAREHAS LANG KAYONG MAY UTAK. IBA NGA LANG MAG-ISIP.



TO BE CONTINUED.

PAPU :((

Nalulungkot ako. Papu died. Hm. She's not just a pet, she's a member of the family. Kaninang umaga habang natutulog ako naririnig ko usapan nila mama na patay na daw si papu. nawala antok ko e ? nagising kaagad ako. name me shallow and lame pero umiyak talaga ako. i was totally afraid of dogs. pero papu is different, i wasnt afraid of her. pinakamamimiss ko sa kanya e yung paglick nya sa paa ko whenever i arrive home galing school. pati yung time na pilit nain sya sinusutan ng pampers, hahay. huhu. mamimiss ka namin papu. :((






Photobucket




PAPU. 08/30/10

Friday, August 27, 2010

SAMTING SAMTING ..

Kanina nagkaroon kami ng activity sa english in which pinaglabas ang lahat ng 1 whole sheet of paper at tsaka pinasulatan ng pangalan, pagkatapos nun pinablog lahat, magkakaroon daw ng activity regarding self-concept and self-awareness. SHIT. isang malaking shit. ayoko ng mga ganitong kaechusan sa buhay. pinaikot na yung papel. kung sinu-sinu ng tao ang dinerfor kongklud ko ayun sa kung anung nakikita ko sa kanila at ayun sa mga bagay na alam kung inaasahan nilang masasabi tungkol sa kanila. umikot ng umikot. kung kani-kaninong papel ang napadpad sa desk ko. hanggang dumating sa akin ang papel ni MR. CLEAN ( wag ng banggitin pa ang pangalan baka matuntun nun ang blog ko mahirap na ). MR. CLEAN ang kinowdneym ko sa kanya dahil palage syang nagmamalinis. hindi naman sa kalbo sya at amuy bareta, kundi sadyang hobby lang nya talagang magplaysafe. mayabang, mayabang, mayabang ulit, mayabang sa pulang tinta, mayabang sa itim na tinta, malaking pagkakasulat ng mayabang, at mayabang kung saan saan. dahil hindi naman ako ganun kasama para dagdagan pa ng isa pang mayabang ang papel nyang naninimuud na sa kayabangan, MR. BEEN THERE DONE THAT -- yun ang sinulat ko.



Natapos ang pag-ikot ng papel. WATDAPAK ?


HORNY. MAHILIG SA PORN.


Nagkakatitigan kami ng papel ko. horny daw at mahilig sa porn ? tiningnan ko ang pangalan akin nga. bukod sa iba pang nakakalaking ulong nakasulat sa papel ko, talagang napatutuk ako sa nakasulat sa pinaka-itaas na ayun na nga paulit ulit e. nangingilid na ang mga luha sa mata k pero charot lang yun. di naman ako nagalit ? di rin natuwa ? nakyuryus lang ? di naman siguro yung tinderong palage kung binibilhan ng mga chukchakang cd ang nagsulat nun ? kung hindi ituturo ko kaagad sya sa mga pulis ora mismo !



Nagtawag si mam ng mga estudyante para sabihin sa klase yung isang bagay na nakasulat sa papel na nagpagulat sa kanila. at presto ? natawag ako


Ms. Fuentes share to the class your paper and give your insight regarding it.



Its my time to shine ! Isang banat ng being horny and being open-minded is different in such ways. at sinundan ko na ng makabagbag damdaming kaechusan para ipagtanggol at ipanindigang hindi talaga ako malibog ! konti lang.


Nagulat ang mga kaklasmeyt ko. yung iba nga ata naluha pa sa speech ko. maayus naman ang naging ending. parang hindi pa rin sila kumbinsidong hindi talaga ako maibog. (again) konti lang.



Tumawag naman si mam ng ibang estudyante. natawag nya si MR. CLEAN. halos maiyak na sya sa panggagalaiti. walang katapusang hindi naman ako ganyan bakit ganun kayo hindi nyo lang ako kilala at kung anu anu pa. ang drama. ang sakit sa mata. cut !


TO BE CONTINUED.

NYENYE

URGENT !!!



**



KAILANGAN KO NG MAGHANDA PARA SA ESSAY WRITING CONTEST TSAKA IMPROMPTU ! WATDA ANU BA NAMAN KASING PUMASOK SA ISIP KO AT BIGLA AKONG NAGPALISTA PARA SUMALI DUN. AKALA KO NAMAN KASI LIBRENG BIGAS AT TSAKA DAGDAG UMENTO SA SAHOD. SANA SUMAPI SA AKIN BIGLA SI DR. KAGALANG GALANG PAMBANSANG BAYANI AYDOL NA NUKNUKAN NG PUGENG JOSE RIZAL ( EWAN KO NA LANG KUNG DI PA SYA SUMAPI NETO) ?? SS. UMPISAHAN SA RESEARCH NG MGA MAHALIMUYAK NA PANGBUKAS PINTUAN. QUOTES ? ANECDOTES ? MADAMDAMING PAGSHESHER-A-STORY ? NAKAKAGULAT NA TANUNG ? KANTA KAYA ? HM ..

































PUCHARAGIS ! BAHALA NA SI LASTIKMAN !





-- NGANGA .