Pages

Sunday, August 29, 2010

OO.

mixed emotions.



gusto ko ng grumadweyt. nalulungkot ako dahil namatay na si papu. bukas midterms na. nagugutom ako. nakakabagot na magfacebook. hay. gusto ko maglakad ng malayong malayo..





**

nung isang araw sumakay ako ng jeep. bihira lang ako umupo sa frontseat pero dis taym umupo ako. yung driver matanda na. as in matandang matanda na talaga. katabi ko sa frontseat e yung batang konduktor. habang umaandar yung jip. umaandar din yung kwento ni manong. sabi nya pagnagkajip daw sya kukuhain nya daw konduktor yung bata. sabi pa nya sayang daw at dapat nag-aaral yung bata. kasi daw sya nung pinag-aral di nagtino palaging nagcucutting tsaka gumigimik kasama mga barkada nya. habang tumatagal yung kwentuhan nila ung bata, lalo kung nakikinitang mabuting tao si manong. kung magkakaroon lang ako ng limpak limpak na pera bibilhan ko si manong ng isang daang jip. kaso parehas lang kaming mahirap. at nung mga oras na yun, napag-isipisip ko, may mga katulad pa pala ni manong, maganda pa rin naman pala ang mundo kahit papaano.


**


kakauwi ko lang galing studio ng mapanuud ko yung nangyayaring hostage taking. noong una akala ko nananaginip lang ako dahil sa gutom at dahil na din sa wala na akong ipangaallowance bukas. sila mama akala mo nanunuud ng pelikula ni sharon cuneta, tutuk na tutuk. mga di na nga ata kumain dahil pagbukas ko sa kaldero walang bawas yung kanin. di na nga rin ako nakakain ng maayos e. parang hinahalina na rin ako ng tv para manuud at ng bolpen at papel para magsulat ng sarili kong komentaryo. wala akong masimulan. gulo gulo yung isip ko. di ko naman kasi alam yung bawat anggulo ng istorya pero sa kaibuturan ng puso ko, naawa ako sa hostage taker. lukso ng dugo ? wag naman sana. naawa ako dahil siguro katulad ng ibang lalaki tatay din sya, may pamilyang umaasa sa kanya, may mga anak na nag-aantay sa kanya. nakakatakot mapunta sa ganoong sitwasyon ? yung tipong sumuko ka man o hindi tiyak, mamamatay ka pa rin. pero syempre panig pa rin ako sa mga hinostage mga walang malay yun e. mga foreigners. pero ?? ewan. basta akin na lang yung opinyo kung iba pa. hehe.



**


DI PORKET SABI NILA E MATALINO KA E RESPONSIBILIDAD MO ANG PAGSAGIP SA MGA GRADES NILANG NAGHIHIKAHOS. TAO KA LANG DIN. PAREHAS LANG KAYONG MAY UTAK. IBA NGA LANG MAG-ISIP.



TO BE CONTINUED.

2 comments:

  1. Pagbukas ko palang ng page, whew!! ang ganda ng camera! hehe..

    "TAO KA LANG DIN. PAREHAS LANG KAYONG MAY UTAK. IBA NGA LANG MAG-ISIP". Tama ka dito. Agree ako sayo, 100%. I labet. =)


    http://neneleah30.blogspot.com

    ReplyDelete