Pages

Wednesday, January 18, 2012

Escribir.

Sa mundong punong puno ng pampalaway, imposibleng manatiling kontento. Lahat tayo may gusto, may kinaiinggitan. Ako mismo meron din. Sino bang hindi may gustong pumogi o gumanda siya ng kahit ilang megabytes lang? Wala. Kahit nga yung mga nuknukan na ng ganda e todo pa rin ang pagpapaganda tayo pa kayang mga, (ahem) mababait?

Hindi ako maniniwala kung sasabihin mong kuntento ka na sa mga bagay na meron ka na ngayon, kung kuntento ka na e bakit ka pa nag-aaral? Hindi ka pa ba masayang marunong ka na mag-plus at subtract, kakaririn mo pa ang calculus at physics? Kung kuntento ka na e bakit ka pa kumakain, hindi ka pa ba masaya na nabuhay ka na ngayong araw na toh at hihirit ka pang mabuhay ng mas madami pang araw? Kung kuntento ka na e bakit ka pa gumagamit ng  glutathione, tawas, uling na ipinapangmahid sa balat, at kung ano ano pang pampaputi, hindi ka pa ba masayang kahit papaano e hindi transparent ang kulay ng balat mo? E kasi nga hindi ka pa kuntento, walang kakuntentuhan ang tao, at pagnanais, hindi matatapos yun.

So ayun, ninenok na ng antok yung karne sa bungo ko, so ayun nga. Chu.

No comments:

Post a Comment