Pages

Monday, December 19, 2011

Kahel

Kungwari may sense ang mga susunod kung sasabihin, pwede ba yun?

Nakakaantok na hapon, Christmas break e wala ng pasok. Day off muna ako sa pakikipag-amazing race sa mga katulad kong walang kakayahang bumili ng sariling sasakyan (o maski ng pedicab) sa pagcommute. Tigil din muna ako sa pagpakyaw  ng tindang ‘kareyoka’ ni Aling baby tuwing breaktime, tigil muna sa pagbanyo ng mag-isa, pagkain ng mag-isa, pag-library ng mag-isa at ng lahat ng gawaing mas masaya kung may mga kasama kang gagawa (at hindi kasama yung nasa isip mo). At nga pala tigil din sa pag-abot ng allowance si ermat, kaya pati mga bechingko sa ilalim ng mga aparador e pinapatus ko na rin. Napakasimpleng hapon, alanganing end of the world na alanganing Jurassic era yung langit, ma-gray gray na may panaka-nakang budbud ng tangerine, napakaganda (ko).

Kakatapos ko lang ngumata ng buns na may palamang peanut butter na donasyon ng may ginintuan kong pusong tiyahin, medyo narinig nya ata yung parinig ko na gusto kong kumain ng tinapay na may peanut butter, napakabuti talaga ng diyos. Bago yun e kumain din ako ng kanin, ulam e corned beef na may patatas, kanina ko pang umaga ulam yun, ugali lang talaga kasi ng nanay ko na magluto ng ulam nila ni papa at namin ng kapatid ko na pangbuong araw na, kaya yung corned beef na may patatas namin, isang drum.

Kanina pang umaga na puro kain-tulog-computer lang ang ginagawa ko, walang magawa e. Ayoko rin naman maggala dahil bukod sa wala akong pera, wala talaga kong pera. Kaya eto, pagbuburo sa sarili na lang muna ang inaatupag ko.

Isang buong araw ko ng tinititigan yung  mga isda sa aquarium, buti pa yung mga isda hindi alam yung frustrations tsaka priorities. Wala din silang lovelife, ang love life nila e in the form of coitus lang, no more no less. Ganyan kaaastig ang mga isda, no emotions attached ang pakikipagtalik nila. Walang oohh ahh at kung ano ano pang chains and whips na sa hindi ko malamang dahilan e gustong gusto ng mga tao (naten). Sadyang cool lang talaga siguro ang mga isda, kamukha ng sadyang hayok lang talaga ang mga tao.

Nga pala ilang araw ng lang pasko na, tapos new year na, tapos valentines na, mahal na araw, araw ng kalayaan, Halloween, tapos pasko nanaman, new year tapos uulit nanaman lahat ng nasabe ko sa itaas. Ang bilis ng panahon, parang kailan lang tuwing pasko, si mama e binibihisan pa kaming magkapatid  na mula ulo hanggang paa e ternong terno, mula sa pagkakatali ng buhok, hanggang sa damit, sapatos, pati medyas e parehong pareho, kaya madalas e napagkakamalan kaming kambal kahit limang taon yung tanda ko sa kanya (ganyan ako ka-baby face).

Dadating nanaman ang new year na bukod sa usok, wala ka ng ibang makikita kundi mga kwitis na di mo alam e mukha mo na pala ang target. Magsusulputan nanaman sa kalye ang mga batang ‘watusi exhibitioner’, magsusulputan na rin yung mga iba pang katulad kong halos mangisay na sa kaba tuwing inuutasang bumili ng vetsin, paminta at kung ano ano pang sahog na hindi na lang tag-iisang sako ang binili sa palengke ng hindi na nalalagay sa panganib ang mga buhay naming mga hindi gaanong fans ng mga paputok.

Time out muna at magtitimpla muna ako ng juice, aba bu-mlue yung langit, kung kelan maggagabi na tsaka naman nagging maganda yung kalangitan.

Tama na muna toh sa ngayon, kakain na ulit ako.

1 comment:

  1. nyaha..mag ingat sa mga paputok baka matapon ang vetsin hehe.....sana nga no naging isda na lang tayo ahw lolz hehe ^^ oy merry christmas for next year...tsaka happy new year na rin ^^

    ReplyDelete