Ang sarap sarap magmahal. Lalo na pag-alam mong mas mahal ka noong taong mahal mo. Yung tipong makita mo lang sya tanggal na lahat ng stress mo sa buhay, pati gutom tanggal. Pinakapaborito kong gawin sa buhay ko e yang magmahal, dyan kasi wala kang perang nagagastos, nagkakaroon ka pa ng emotional investment na kung maibebenta lang e milyones na siguro ang kapalit.
Ang saya saya sa pakiramdam kapag yung taong gusto mong mahalin e hinayaan kang mahalin mo sya, habang sya, ibinabalik sayo yung pabor. Parang life cycle, pinupunan nyo ang pangangailan ng bawat isa habang kayong dalawa, masayang nabubuhay.
Parang Bluetooth, parang infrared at signal. Hindi nakikita ng mata pero tagos tagos ang impact sa puso.
Yung mga simpleng usapan na kahit kwentuhan lang tungkol sa kung anung inulam nyo kagabi e babalik-balikan mo pa. Yung para kang tala na pagna-aalala mo e pakurap kurap pa yung mata mo sa kilig. Mga simpleng bagay na kung tutuusin napakabababaw pero kung pwede lang e i-bobote mo ng hindi kumawala sa isipan mo.
Yung boses nya, yung paraan ng kung paano ka nya titigan, yung mga pasimpleng holding hands ninyo, mga sinasariwang first kiss at first anniversary na kulang na lang e buong araw mo ng ikwento sa kaibigan mo sa sobrang gustong kumawala na parang pusa sa dibdib mo lahat ng pakiramdam at emosyon na naiparamdam nya sayo.
Kung bakit ako nakakapagsalita ng ganito? Kasi naman, kung makakwento tong katabi ko tungkol sa lablayp nya e kala mo ba’y kahapon lang ipinanganak sa mundo. Malalim na ang gabi, malaim na din ang eyebags ko. Makatulog na nga. Yan na lang muna sa ngayon. Magandang gabi Blogspot !
( replay lang ang post na toh. hehe)
No comments:
Post a Comment