PAG-iBiG
Sa sobrang dami ng mga salitang pupuwedeng ikabit sa pag-ibig.. bakit kaya walang sakto ? Yung tipong kapag sinabe mong pag-ibig e maiisip mo yung mga salitang masaya, masarap sa pakiramdam, kakaiba, malungkot, masakit ??? Bakit walang isa lang ?? Dahil siguro yata kasi e hindi naman lahat ng tao iisa ang nasaksihang mukha ng pag-ibig. Siguro para sa iba masaya at saka masarap sa pakiramdam, sa iba naman siguro e masakit at saka malungkot. E para sa akin kaya.. hm. Para sa akin, kung ihahambing ko ang pag-ibig sa isang bagay, maihahambing ko ito sa isang lolipop na ibinibigay sa isang bata para tumigil sa pag-iyak mula sa pagkakadapa, at sa parehang lolipop na nagpapasakit ng ipin kapag nasobrahan. Simple lang ang pag-ibig. Tayo lang naman ang gumagawa ng mga paeklat para magmukhang kumplikado. Siguro para mas maramdaman nating meron nga talagang ganoon. Sadyang mas pipiliin nating makaramdam ng sakit para mas matagal mawala sa kokote natin ang mga ala-alang kahit masasakit, e sya din namang pinakamasasayang pinagdaanan natin.
**
VANiTY
(ano ba tagalog nito?)
Kapag hindi maganda ang pagkakahulma ng mukha mo, kapag hindi gaanong kaaya-aya ang pananamit mo, at kapag wala kang pangalan para ipangdisplay sa listahan ng siblings at kung ano-ano pang spesyal-kami-di-ka-belong, wala ka sa hulog. alam mo yung mga grupo nang mga living things na hangang-hanga sa pagkakagawa ng pagkatao nila? Yung kung baga sa evolution e sila yung pinaka-upgraded? Hindi naman sa naiinis ako o may kinikimkim akong sama ng loob ( o sama ng mukha ) pero kung titingnan ng mabute, para sa akin, isa lamang silang grupo ng mga living things na nagkataong meron may mas lamang na pera pangsalon at pangdepartment store. Kaparehas din naman silang mabaho ang tae kaya sana .. WAG KAYONG PAEKSLUSiB. :)
**
No comments:
Post a Comment